^

Punto Mo

Sir Juan (76)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GUSTO mong kausapin Sir ang lalaki?” tanong ng waiter kay Sir Juan.

“Mabait ba ‘yan?’’

“Opo Sir. Mabait naman.’’

“Anong pangalan?’’

“Hindi ko alam Sir.’’

“Kamukha ng isang rebeldeng sundalo ano?’’

“Oo nga Sir. Mukhang estudyante pa.’’

“Sige sabihin mong gusto kong makipagkaibigan pero huwag kang babanggit na kaya ako narito ay hinahanap ko ang babaing nagngangalang Mahinhin.’’

“Sige Sir sabihin ko.’’

“Hindi kaya ako mapagkamalang badap dahil makiki-pagkilala sa kanya?’’

Napahagikgik ang waiter.

“Sir hindi ka naman mukhang bading. Lalaking-lalaki nga ang dating mo.’’

“Uy may mga machong tingnan pero bading.’’

“Hindi ka naman siguro kabilang sa federacion, Sir.’’

“Siyempre hindi. Sige kausapin mo na ang lalaki.’’

Nilapitan ng waiter ang lalaki na walang iba kundi si Gringo, ang estudyanteng kaklase ni Nectar. Kinausap ng waiter. Maya-maya, nakita ni Sir Juan na kinawayan siya ng waiter. Pinapupunta siya sa table ni Gringo.

Tumayo si Sir Juan at lumapit sa table ni Gringo.

Umalis naman ang waiter nang makalapit si Sir Juan.

“Ako si Johnny, Pare,” sabi ni Sir Juan. Sinadya niyang ibahin ang pangalan.

“Gringo po naman ako. Maupo ka Sir.’’

Naupo si Sir Juan.

“Mahirap uminom na walang kakuwentuhan,” sabi ni Sir Juan. “Matagal ka na bang umiinom dito, Gringo?’’

“Pangalawang beses lang Sir. Tama ka Sir Johnny, mahirap uminom na walang kakuwentuhan.’’

“Tiyak marami akong maiinom ngayon,” sabi ni Sir Juan o alyas Johnny at saka kinawayan ang waiter na nag-aasikaso sa kanya.

Lumapit ang waiter.

“Bigyan mo kami ng apat na beer at saka crispy pata at saka sisig. Iinom kami ng kaibigan kong si Gringo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

JUAN

OPO SIR. MABAIT

SIGE

SIGE SIR

SIR

SIR JOHNNY

SIR JUAN

SIR. MUKHANG

WAITER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with