^

Punto Mo

EDITORYAL - Bantayan ang ISIS

Pang-masa

SARIWA pa sa alaala ang madugong pagsalakay ng mga teroristang kaanib ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Paris, France noong Nobyembre 18 kung saan 130 ang namatay. Nagsagawa ng pambombomba at pamamaril ang mga terorista sa Paris. Siyam na ang nahuhuli sa mga sumalakay na terorista.

Noong nakaraang Disyembre 5, isang mag-asawa na umano’y supporters ng ISIS ang walang habas na namaril sa isang party sa San Bernardino, California na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng 21. Sinalakay ng mag-asawa ang isang holiday party at inispreyan ng bala mula sa automatic rifles ang mga tao na kasamahan din umano nila sa trabaho. Agad namang kinumpirma ng ISIS na supporters nila ang mag-asawa na nakilalang sina Syed Rizwan Farook at ang asawa niyang si Tassfeen Malik. Napatay ang dalawa ng mga pulis na rumesponde sa massacre site.

Nakakatakot ang sunud-sunod na pagsalakay ng ISIS at hindi malayo na mangyari rin ito sa Pilipinas. Marami nang pambobombang naganap sa bansa na ang may kagagawan ay mga terorista. Halimbawa ay ang Dec. 30, 2000 bombings o Rizal Day bombings kung saan limang sabay-sabay na pambobomba ang naganap na ikinamatay ng may 100 katao. Nagkaroon din ng Valentine bombing noong 2003 na ikinamatay ng apat katao at ang pambobomba sa Superferry noong 2004 na ikinamatay nang maraming tao.

Marami nang pambobombang naganap at hindi na ito dapat pang maulit. Ngayong napapabalita na may ISIS training camp sa Mindanao, dapat magpursigi ang pamahalaan na durugin agad ang mga ito sakaling totoo. Huwag bigyan nang pagkakataon ang mga terorista na makapanggulo. Ang pagiging alerto naman ng mamamayan at malaking tulong para mawasak ang mga teroristang ISIS.

ANG

DISYEMBRE

HALIMBAWA

HUWAG

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

MARAMI

MGA

RIZAL DAY

SAN BERNARDINO

SYED RIZWAN FAROOK

TASSFEEN MALIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with