8 Bad Gift Ideas
1—Diet Cookbook: Maliban kung ni-request talaga ito ng pagbibigyan mo.
2—Picture Album: Sa Christmas party ng aking bunso noong nasa preparatory school, umiyak ito nang pagbukas sa gift mula sa kanyang ka-exchange gift ay picture album ang bumulaga sa kanya. ‘Yung iyak na may kasamang init ng ulo. Nang itanong ko kung bakit siya umiyak, ang sagot ay “Ang baduy-baduy kasing magregalo ang classmate ko”. Sa mata ng isang bata, baduy na panregalo ang photo album, sigurado, pati sa matatanda.
3—Chicken Soup for the Soul—Inspirational book pero boring gift idea na ‘yan, mga 10 years ago pa. Tanungin muna ang pagbibigyan kung type niya ang ganitong klaseng libro.
4—Medyas—Hala ka, iismid lang ang makakatanggap n’yan.
5—Panyo, face towel—Iirap-irapan lang ‘yan ng makakatanggap.
6—Cleaning Products para sa bahay—It’s just rude. Parang nagregalo ka ng toothbrush, toothpaste, deodorant.
7—Brief—Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa ako tuwing maaalala ko ang brief na iniregalo ng isang kakilala sa aking mister. Mga bago ang brief pero may napahalong luma at hindi malinis. Naging palaisipan sa amin kung bakit at paano napahalo ang kadiring brief. Nakalimutan ko na kung ano ang sinabi ng nagbigay kung bakit napasama ang kadiri niyang brief. Ang dami naman kasing ireregalo, kung bakit brief pa ang naisip.
8—Kung Chinese ang reregaluhan mo, narito ang mga bagay na hindi dapat iregalo, base sa artikulo mula sa www.illuminantpartners.com.
Relo—Parang tinaningan mo na ang buhay ng makakatanggap.
Pears—Ang salitang pears sa wikang Chinese ay sound like paghihiwalay ng pamilya.
Payong—Ang salitang umbrella sa Chinese ay sounds like loose, fall apart. Kapag ito ang ibinigay ng isang Chinese sa kanyang kaibigan, nangangahulugan iyon na tinatapos na niya ang pakikipagkaibigan.
Panyo—Panyo ang ipinamimigay sa mga nakiramay pagkatapos ilibing ang Chinese. Simbolo ang panyo ng pamamaalam ng namatay.
Kutsilyo, gunting at matutulis na bagay—Simbolo nang pagputol sa magandang relasyon ng magkaibigan.
- Latest