^

Punto Mo

Masarap na Buhay sa Langit

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SABAY na namatay sa car accident ang 85 anyos na mag-asawa. Sila ay hindi kailanman nagkasakit sa loob nang maraming taon dahil masipag silang mag-exercise at pulos health foods lamang ang kanilang kinakain. Hindi sila dinapuan ng mabigat na karamdaman pero sa aksidente lang pala mamamatay.

Sa kabilang buhay, mabilis silang natanggap sa langit. Dinala kaagad sila ni San Pedro sa isang napakagandang mansion kung saan iyon ang magiging tirahan nilang mag-asawa.

“Sa wakas, mararanasan ko rin tumira sa mala-palasyong bahay. Magkano po ang magiging renta namin diyan?” tanong ng lalaki

“This is heaven at libre ang inyong tirahan”.

Pagkatapos nilang magpahinga ay dinala sila ni San Pedro sa swimming pool kung saan ang tubig ay tamang-tama ang temperature. Napakasarap palang maglagoy sa malawak na swimming pool na ang tubig ay maligamgam. Maya-maya ay hinatiran sila ng isang anghel ng masasarap na pagkain.

“San Pedro, huwag mong sabihin na libre na naman iyan…”

“Tama ka. Lahat ay libre dito sa langit. At iyan ang magiging buhay ninyo dito…magpasarap sa buhay nang libre”

Biglang lumungkot ang mukha ng lalaki at pagkatapos ay tinapunan ng masamang tingin ang kanyang misis.

“O, bakit ang sama ng tingin mo sa akin?” nag-aalalang tanong ng misis sa asawa niya

“Kasi nakakaasar ka. Kung hindi mo ako pinag-exercise araw-araw at pinakain ng mga sinasabi mong health foods, sana bata pa, natigok na ako, at matagal nang nagpapasarap dito sa langit!”

ACIRC

ANG

BIGLANG

DINALA

KASI

LAHAT

MAGKANO

NAPAKASARAP

PAGKATAPOS

SAN PEDRO

SILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with