^

Punto Mo

Sir Juan (66)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mahubad ni Nectar ang pang-itaas na damit, ang shorts naman ang hinubad at naiwan lamang ang kapiranggot na itim na bikini panty. Hindi makakilos si Sir Juan sa nakitang kagandahan sa harapan. Maganda pala si Nectar kapag nakapanty lamang. Lumutang ang kakinisan.

Hindi namalayan ni Sir Juan na nakalapit na pala sa kanya si Nectar at muli siyang sinakmal sa labi. Huling-huli ni Nectar ang mga labi ni Sir Juan. Nalanghap muli ni Sir Juan ang mabangong hininga ni Nectar. Amoy hininga ng sanggol.

Lalong naging wild si Nectar at pinagdiinan pa ang labi sa labi ni Sir Juan.

Natangay na si Sir Juan sa ginagawa ni Nectar. Lalaki naman siyang talaga. Wala siyang magagawa kundi labanan  ang babaing naghahamon. Hindi siya takot sa babaing ipinagduduldulan ang sarili. Kung ito ang gusto ni Nectar, ibibigay niya. Bahala na! Siguro naman ay naghahanap lamang ng adventure si Nectar. At siya ang gustong makaniig sa paghahanap ng adventure. Hindi naman siguro siya ipapahamak ni Nectar.

Bumitaw si Nectar sa pagkakasakmal sa labi ni Sir Juan at saka umatras. Tinungo ang bed ni Sir Juan at ibinagsak ang hubad na katawan. Napakaganda ni Nectar.

“Halika na Sir Juan,” sabi ni Nectar sa nanunuksong tinig.

Nakatingin lang si Sir Juan.

“Halika Sir Juan. Mahalin mo ako.’’

Kumilos si Sir Juan. Humakbang patungo sa kama. Naupo sa gilid.

Yumakap si Nectar sa kanya.

“Mahal kita Sir Juan. Mahalin mo rin ako ngayon.’’

Kumilos si Sir Juan para ipagkaloob ang hinihingi ni Nectar.

Pero bago nagawa iyon, tumunog ang cell phone niya. May incoming call siya. Sinagot niya.

Inis na inis si Nectar.

(Itutuloy)

 

ACIRC

AMOY

ANG

BAHALA

HALIKA SIR JUAN

JUAN

KUMILOS

MAHALIN

NECTAR

SIR

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with