^

Punto Mo

Hamunang Mar at Digong ‘teleseryeng’, sinubaybayan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagmistulang teleserye ang palitan nang hamunan ng dalawang presidentiables na sina dating DILG Secretary Mar Roxas at Davao City Mayor Digong Duterte.

Mula sa sampalan,  nauwi sa hamon na suntukan at sa sinasabing sa huli ay barilan na lamang.

Tinutukan ng marami ang buwelta ng isa’t -isa,    araw-araw  na inabangan ang mga susunod na kabanata.

Hanggang sa dumating sa punto na  kailangan na silang pagsabihan marahil ng ilan nilang kaalyado,  bago  bahagyang lumamig ang mainit na bangayan ng dalawa.

Ito ay sa kabila na marahil ay kapwa nila alam  na nakabantay at nagmamasid sa pangyayari ang mga botante at binabasa ang bawat kilos nila.

Gayunman, sa bawat umpukan ng  marami nating kababayan na tumututok at sumusu-baybay kung sila  ang pinag-uusapan  mukhang hindi  na umano nakasentro sa mahahalagang isyu ang usapan kundi sa mga personal na atake sa isat-isa na hindi na nagiging maganda.

Ito na nga raw ang ‘mukha’ ng eleksyon sa Pinas, na kada sumasapit ang halalan lumalabas ang mga sari-saring mga siraan.

Ang hinihintay  ng ating mga kababayan ay mailatag nang malinaw ang kanilang mga plataporma tungkol sa mga mahahalagang  isyu o sa pangangailangan ng bansa, ang mga solusyon na kanilang gagawin lalu na ang may kinalaman para mapaunlad ang pamumuhay ng ating mga kababayan.

Hangga’t  hindi pa natatapos ang halalan asahan na ang ganitong mga bangayan ng mga magkakalaban. Mas lalu marahil itong titindi sa pagsisimula na ng kampanya sa susunod na taon.

ANG

DAVAO CITY MAYOR DIGONG DUTERTE

GAYUNMAN

HANGGA

HANGGANG

ITO

MGA

MULA

NAGMISTULANG

NBSP

SECRETARY MAR ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with