^

Punto Mo

Sir Juan (63)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DALAWANG gabi lamang siyang nawala sa bahay ay marami nang nangyari. Sana ay kinausap na agad niya si Mahinhin noong unang makita niya ang pictures nito sa cell phone ni Nectar. Sana ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kung ginawa niya iyon, sana ay narito pa si Mahinhin at wala siyang iniisip na problema. Nga-yon ay hindi niya alam kung saan hahanapin si Mahinhin para maipaliwanag na hindi naman siya nagagalit dito. Sasabihin niya, lahat nang tao ay nagkakamali. Maaari namang ituwid ang pagkakamali.

Maski sa pagtulog ay si Mahinhin ang naiisip ni Sir Juan. Saan kaya siya natutulog? Wala naman siyang kamag-anak dito. Kaya nga siya naglakas loob na makiusap para makatira rito ay dahil wala talaga siyang tutuluyan. Ulilang lubos siya.

Hindi kaya sa KOLEHIYALA club nakikitulog si Mahinhin? Puwede kaya ‘yun? Delikado ang lagay niya kung makikitulog? O baka naman sanay na siya kaya malakas ang loob na umalis dito.

Hindi kaya si Nectar ang dahilan kaya napilitang umalis si Nectar? Pakiramdam niya, nabu-bully si Mahinhin ni Nectar. Dahil mabait si Mahinhin, kinakaya-kayanan ni Nectar.

Baka kaya agarang umalis si Mahinhin ay dahil tinakot ni Nectar. Baka sinabi ni Nectar na galit na galit siya (Sir Juan). Posible iyon. At para nga hindi na matikman ang galit ay pinasya nang umalis. Puwede naman siyang umalis dahil fully paid siya at meron pang-deposito.

Nakatulugan na ni Sir Juan ang isiping iyon.

ISANG gabi na natutulog na si Sir Juan ay naalimpungatan siya dahil may narinig siyang mahihinang katok sa pinto. Nananaginip yata siya.

Pero ayaw tumigil ang katok. Totoo at hindi siya nananaginip.

Bumangon siya at binuksan ang pinto.

Nagulat siya kung sino ang kumakatok.

Si Nectar! Ma­nipis na manipis ang suot pang-itaas. Walang bra. Aninag niya ang korona ng  malulusog na dibdib.

“Puwedeng pumasok Sir Juan?’’

Napipi si Sir Juan. Tila nalunok ang dila.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG

HINDI

KAYA

MAHINHIN

NECTAR

NIYA

PUWEDE

SANA

SI NECTAR

SIR JUAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with