^

Punto Mo

EDITORYAL – Nasaan ang taga-tanim ng bala?

Pang-masa

ANIM na “matatakaw” na airport personnel ang tinukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa likod ng “tanim-bala” modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sila ay sina Police Insp. Adriano Junio, SPO4 Ramon Bernardo, SPO2 Romy Navarro, Rolando Clarin, Marvin Garcia at Maria Elma Cigna. Sinampahan na sila ng kaso. Ayon sa NBI, pang-e-extort sa mga pasahero ang layunin kaya may “tanim-bala” at walang umanong sindikato rito.

Subalit may kulang pa sa imbestigasyon ng NBI. Natukoy nga nila ang mga “matatakaw” na airport personnel pero ‘yung mga tao na nagtatanim mismo ng bala ay wala silang nailabas. Nasaan ang mga taong ito? Kung ang mga ito ang matutukoy, tiyak na ikakanta pa nila ang iba pang “matatakaw” sa NAIA.

Nag-umpisa ang lahat nang taniman ng bala ang bagahe ng 20-anyos na American missionary na si Lane Michael White. Nabiktima si White ng tanim-bala noong Setyembre. Hinihingian ng P30,000 si White para “maayos” ang problema sa nakitang bala sa bagahe nito. Hindi nagbigay si White kaya ikinulong siya. Hanggang nabulgar ang “tanim-bala” modus.

Sa pagkumpirma ng NBI sa nangyayaring extortion sa NAIA, maaaring naliwanagan na si DOTC Sec. Joseph Abaya at maniwala na pinagkakaperahan nga ng anim na matatakaw na airport personnel ang mga balikbayan, OFW at mga dayuhan.

Sabi ni Abaya noon, kakaunti lang naman daw ang mga may kaso ng bullets possession. Napakaliit daw ng porsiyento nito (.004 percent) kung ikukumpara sa 34.2 milyong pasahero na nagdadaan sa NAIA.

Halos ganito rin ang sinabi ng Malacañang na may kaugnayan sa “tanim-bala’’. Isolated case daw ito. Pinalalaki lang ng media.

Sa pahayag na ito ng mga nasa pamahalaan, masasalamin ang kawalan nila nang malasakit sa mga nabibiktima ng “tanim-bala. Sa halip na ipag-utos ang mabilisang pag-iimbestiga, binalewala lamang nila.

Sa pagkakatukoy sa anim na “matatakaw” na airport personnel, maaaring mabawasan na ang “tanim-bala”. Sana, matukoy din ang inuutusang mga tao na tagatanim ng bala para totally solb na ang nang­yayaring modus na nagbigay ng kahihiyan sa bansa.

ACIRC

ADRIANO JUNIO

ANG

BALA

JOSEPH ABAYA

LANE MICHAEL WHITE

MARIA ELMA CIGNA

MARVIN GARCIA

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with