^

Punto Mo

Sir Juan (58)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TININGNAN ni Mahinhin ang ipinakita ni Nectar kahit na nagtataka siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya maunawaan ang lahat.

“Eto kilala mo ba kung sino ito?’’ tanong ni Nectar.

Tiningnan ni Mahinhin ang nasa cell phone. Babaing nagsasayaw ang nakita niya.

“Kilala mo kung sino?’’

Umiling si Mahinhin.

“Di ba ikaw ito?’’

“Ha? Hindi ako ‘yan!’’

“Sinungaling!’’

“Anong sinasabi mo, Nectar?’’

“Sinungaling ka! Ikaw ang nasa picture pero pilit mong ipinagkakaila. Hu-ling-huli ka na pero tigas ka pa rin sa pagtanggi.’’

“Hindi talaga ako ‘yan.’’

“Well, talagang hindi aamin ang sinungaling.’’

“Hindi ako sinungaling, Nectar.’’

Nagtawa si  Nectar at binuksan pa ang mga malalaswang pictures.

“Eto hindi ba ikaw ang nakabukakang ito?’’

“Hindi nga ako ‘yan. Mag-ingat ka sa pagbibintang Nectar.’’

Lalong nagtawa si Nectar. Hindi man lang natakot. Lalo pang maraming sinabi kay Mahinhin.

“Nalaman na ni Sir Juan ang lihim mo at nag-iisip na siya ng paraan para ka mapaalis dito. Hindi ka karapat-dapat sa boarding house na ito. Kaya kung ako ikaw, hindi ko na hihintayin pang paalisin ni Sir Juan.’’

Hindi makapagsalita si Mahinhin dahil sa mga sinabi ni Nectar. Alam na raw ni Sir Juan ang lihim niya. Hindi pa rin niya maunawaan ang lahat.

“Huwag ka nang magsinungaling, Mahinhin dahil baka lalo lamang magalit si Sir Juan. Sa lahat ayaw na ayaw niya ng sinungaling. Kung ako sa’yo, magbabalot-balot na ako at eeskapo. Masamang magalit si Sir Juan.”

“Pero hindi nga ako ang babaing ‘yan, Nectar.’’

“Ang kapal talaga ng mukha mo, Mahinhin. Eto at kitang-kita na ang pagbibilad mo ng tahong ay todo tanggi ka pa rin.’’

Umiyak na si Mahinhin.

“Ano yan luha ng buwaya?’’

Tumulo ang luha ni Mahinhin pero hindi natinag si Nectar.

“Sabihin mo na ang totoo na star dancer ka sa KOLEHIYALA. Ikaw ang pinakasikat na nude dancer dun. Huwag  ka nang magsinungaling.”

“Kolehiyala?’’

“Oo. Di ba star ka sa KOLEHIYALA club. Di ba doon ka nagtatrabaho bilang mananayaw at naghuhubad?’’

“Hindi. Bookkeeper ako roon.’’

Biglang nagtawa si Nectar. Malakas ang pagtawa.

“Talagang ubod ka ng sinungaling Mahinhin. Anong bookkeeper ang sinasabi mo?’’

“Bookkeeper talaga ako!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANONG

ETO

HINDI

HUWAG

IKAW

MAHINHIN

NECTAR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with