^

Punto Mo

Shampoo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NASA kultura na natin ang pagiging  “trying hard”  sa pagtulong sa mahirap na kapatid at magulang kahit sa katotohanan ay  kinakapos ka rin sa budget para sa iyong sariling pamilya. Hindi masamang tumulong sa mga naghihirap na kapatid at magulang ngunit dapat ay ipaalam mo ito sa iyong asawa at mga anak. Ang pera mo ay pag-aari na ng iyong pamilya kaya bilang respeto, karapatan nilang malaman na babawasan mo ang budget na nakalaan sa kanila upang ipangtulong sa naghihirap mong kapatid o magulang.

May kaibigan akong babae na naninirahan sa Australia. Mahirap lang ang buhay ng kanyang mga kapatid dito sa Pilipinas kaya siya ang nagpapaaral sa mga pamangkin. Alam naman ng kanyang mister ang pagtulong na ginagawa ng aking kaibigan. Hindi lamang pagtulong ang ginagawa ng aking kaibigan sa kanyang mga kapatid kundi ini-spoil niya ang mga ito. Bukod sa pagbibigay ng tuition sa apat na pamangking nasa kolehiyo, sinasagot din niya ang allowance ng mga ito. Sa loob ng isang taon ay nakakaanim na beses siyang magpadala ng packages—2 to 3 balikbayan boxes per padala kung saan naglalaman ito ng sabon, shampoo, sapatos, noodles, etc. Sabi nga ng mister nito, kung puwede lang ipadala ang bahay nila, siguro daw ay matagal nang nawalan sila ng tirahan.

Plano sana nilang magpakasal sa simbahan (sa huwes sila ikinasal) noong nakaraang wedding anniversary pero hindi natuloy dahil ang budget para sa wedding ay ipinadala ng aking kaibigan  sa mga kapatid na nasa Pilipinas. Magkaganoon pa man, sige pa rin ng pagpapasensiya si Mister. Pero ang nagpasabog sa natitirang pasensiya  ay noong humingi ito ng shampoo sa aking kaibigan. Ang ibinigay ay mumurahing shampoo. Alam ni Mister na kabibili lang nila ng mamahaling shampoo kaya itinanong kung nasaan ito. Ang sagot ng aking kaibigan ay isinama raw niya ang shampoo sa mga ipinadala sa Pilipinas. Nakakahiya raw na mumurahing shampoo ang ipadala sa kanyang mga kapatid. Pagkalabas sa banyo ay nagtalo ang mag-asawa. Nagsumbatan. Nag-impake si Mister at sinabing hindi na siya babalik sa bahay na iyon.

Matagal na palang may communication si Mister sa dating girlfriend through Facebook. Ang madalas na pagtatalo nila na kanyang misis ang nagtulak sa kanya upang totohanin ang biro niya sa dating girlfriend na biyuda at mayaman na magbalikan sila. Ang namatay na mister ng ex-girlfriend ay sundalong Amerikano na may mataas na posisyon. Kaya malaki ang death benefits na natanggap nito.

Noong lumayas si Mister, pinuntahan pala nito ang ex-girlfriend sa Arizona. Nagkabalikan sila dahil nagsinungaling si Mister na matagal na silang hiwalay ng kanyang misis. Ngayon ay magkapiling na sila sa US. Ang kaibigan ko naman ay may bago na rin asawa. Nakakalungkot.  Nagsimula ang lahat dahil lang sa shampoo.

ALAM

AMERIKANO

ANG

BUKOD

FACEBOOK

KAIBIGAN

KAPATID

MGA

MISTER

PILIPINAS

SHAMPOO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with