^

Punto Mo

Sir Juan (50)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGBALIK si Nectar sa opisina ni Sir Juan para ipakita ang mga picture sa kanyang cell phone pero walang tao roon. Maaaring nasa kuwarto niya si Sir Juan. Baka may mahalagang ginagawa sa loob. Baka may kaugnayan sa pinag-usapan nilang magkapatid kanina.

Nakakahiya naman kung kakatukin niya ito para lamang sa ipakikita niya. Lalo lamang nainis si Nectar kay Mahinhin. Laging nauudlot ang balak niyang pagpapakita ng mga picture na kuha sa KOLEHIYALA.

Hanggang maisip ni Nectar na baka naman bumalik si Sir Juan sa laundry room at kinakausap si Mahinhin. Kanina ay naabutan niyang nag-uusap ang dalawa. Mukhang seryoso ang pinag-uuspan ng dalawa.

Nagmamadali siyang nagtungo sa laundry room. Pero ganun na lamang ang kanyang pagkadismaya sapagkat walang tao sa laundry room. Nakatapos na sa paglalaba si Mahinhin.

Walang nagawa si Nectar kundi maghintay ng pagkakataon na maipakita kay Sir Juan ang mga photo.

Samantala, hindi na binigyang pansin ni Mahinhin si Nectar kahit na galit o inis ito sa kanya. Wala naman siyang alam na kasalanan dito kaya bakit siya mag-aalala. Bahala siya sa buhay niya! Basta ang pagtutuunan niya ng pansin ay ang pagtatrabaho at pag-aaral. Hindi siya susuko. Kahit nga inaalok siya ni Sir Juan na pag-aralin ay hindi niya tinanggap. Gusto niya makatapos sa sariling sikap.

Kinagabihan, maaga siyang pumasok sa KOLEHIYALA. Marami siyang gagawin. Kailangang matapos niya nang maayos ang lahat. Kailangang masiyahan ang boss niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG

BAHALA

HANGGANG

ITUTULOY

KAHIT

KAILANGANG

KANINA

KINAGABIHAN

MAHINHIN

NIYA

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with