^

Punto Mo

Ipa-lifestyle check si SPO4 Osias!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAG-AKSAYA ng manpower at financial resources ng gobyerno itong si Supt. Arthur Bisnar, ang hepe ng CIDG Reg.4-A ng lusubin n’ya ang opisina ng CIDG Rizal. Hindi lang kasi ang mga bataan n’ya, kundi maging ang taga-PDEA na me kasamang mga K-9, ang binitbit ni Bisnar sa paglusob sa CIDG Rizal office. At ang resulta? Umuwing luhaan itong tropa ni Bisnar. At kinumpirma ng initial investigation ni Sr. Supt. Andy Suan, ang Ex-O ng AIDSOTF, na positibo ang raid at walang ebidensiya na nakuha ang mga raiders. Inutusan kasi ni Sr. Supt. Antonio Gardiola, ang hepe ng AIDSOTF, si Suan na imbestigahan ang raid ni Bisnar sa pangambang may pulis na sangkot sa drug pushing, ayon sa suspetsa ni Bisnar. Hindi na itinuloy ni Suan ang probe nila dahil mukhang in-fighting lang ng taga-CIDG ang kaso. Pero sa tingin naman ng mga kosa ko, imbes na nang-raid, dapat dinala na lang ni Bisnar ang tropa n’ya at K-9 sa Pasay para mag-security sa APEC eh di nakinabang pa ang gobyerno? Sayang din ang ginastos. Punyeta! Malapit na magkatotoo ang bintang ni CIDG chief Dir. Victor Deona na pugad ng “tulisan” itong ahensiya ng PNP na pinuntahan n’ya, di ba mga kosa?

Kung masipag itong si Bisnar na mang-raid ng opisina ng CIDG Rizal, aba tamad naman s’ya kung ang mga peryahan nina Jessia at Aleng Tessie na hayagan na nag-ooperate ang color games at drop ball sa Cavite, Laguna at Batangas, di ba Aleng Toyang Ma’m? Ang dahilan? Kasi nga, nakasuso kina Jessica at Aleng Tessie ang bagman ni Bisnar na si SPO4 Dominador Osias Jr. Sinabi ng mga kosa ko, na itong si Osias ay naka-assign dati sa CIDG Cavite subalit nalipat sa CIDG Rizal matapos natin mabulgar na s’ya ang bagman ni Bisnar. At nang lumamig na ang isyu, nagpalipat naman itong si Osias sa Cavite provincial police office (PPO). Sa ngayon, hindi lang si Bisnar ang kinokolekta ni Osias ng weekly tong kundi maging si Cavite provincial director Sr. Supt. Ely Cruz. Punyeta! Totoo kaya na nagpapatayo ng bahay sa halagang P10 milyon itong si Osias sa parteng Anabu sa Imus City? Nakuuuu ha! Kaya pala abo’t-langit kung magpahirap sa mga players sa Calabazon area itong si Osias? Tubong Gammu City, Isabela itong si Osias ah at mukhang maganda pa ang bahay n’ya kaysa kay PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan! Pero sa tingin ko naman, dapat itong si Osias ang ipa-lifestyle check ni Marquez at hindi ‘yaong taga-Aviation Security Group sa NAIA dahil sa suspetsang “tanim-bala”.

Subalit maaring matuldukan na din sa wakas itong panghaharabas ni Osias, na recruit ng PC-INP noong 1987, bunga sa pagkamatay ng isang Narcing Gawaran sa Molino, Bacoor kamakailan. Pinasok pala ni Osias ang bahay ni Gawaran na walang dalang search warrant at na-heart attack ang pobre dahil sa pagwarak nang tinitirhan n’ya. Si Gawaran kasi nga kosa ay may palaro na lotteng at iba pang sugal-lupa at hindi ito ‘yaong negosyante na kapangalan n’ya sa nabanggit na lugar. Ang huling balita ko, kakasuhan ng pamilya ni Gawaran itong si Osias at sana hindi na makialam ang mga amo n’yang sina Bisnar at Cruz, di ba mga kosa? Punyeta! Dapat mag-hands off na itong sina Bisnar at Cruz sa kaso ni Gawaran at hayaan nang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Ayon naman sa mga kosa ko, hindi lang si Gawaran ang naging biktima nitong si Osias para mapadali ang paggawa ng bahay n’ya. May negosyante ding taga-NAIC na may trucking na pinasok ni Osias at kinumpiskahan ng semento at iba pang gamit na hindi malaman kung saan n’ya dinala. Sa ginagawang bahay kaya? Ano sa tingin n’yo mga kosa?  Hindi lang nakapagsampa ng kaso ang negosyante dahil sa pakikialam ni Cruz, anang mga kosa ko. Punyeta! Nararapat lang mapa-lifestyle check ni Gen. Marquez itong si SPO4 Osias at ng mabawasan ang PNP ng mga tinatawag ni Gen. Deona na tulisan! Abangan!

ACIRC

ANG

BISNAR

CAVITE

GAWARAN

HINDI

ITONG

KOSA

MGA

OSIAS

PUNYETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with