^

Punto Mo

Mga Bagay na Panganay lang ang Makauunawa

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Hindi ikaw ang nagiging “favourite” ng parents. In fact, ikaw ang paboritong utusan at pagalitan.

2. Kapag nakipag-away sa kapatid, panganay kaagad ang sisisihin ng pa-rents. Ang walang kamatayang dayalog: “Ikaw ang panganay, ikaw dapat ang magpasensiya”.

3. Ang maganda lang, bago lahat ang damit at laruan ng mga panganay. Ang mga pinaglumaan nila ang ginagamit ng mga kapatid.

4. Kapag nauna ang paghihirap ng pamilya, ang panganay ang bonggang-bonggang nakakaranas ng paghihirap. May pagkakataong siya ang mag-a-absorb ng sama ng loob ng ina o ama. Siya ang napagbabalingan ng frustration ng parents. Ito siguro ang dahilan kung bakit sa magkakapatid, panganay ang nagiging matatag at matigas ang kalooban.

5. Pero kung sa simula pa lang ay maginhawa na ang buhay nila, panganay ang karaniwang hindi marunong sa gawaing bahay. Mas marunong pang magluto o mas magaling sa gawain bahay ang mga nakababata sa kanya.

6. Kapag malalaki na ang magkakapatid at umatend ng family reunion, ang panganay lang ang kilala ng matatandang kamag-anak.

7. Kung babae lahat ang magkakapatid, laging panganay ang nagiging pinaka-‘chaka’ at bunso ang nagiging pinakamaganda. Aping-api ang panganay sa beauty comparison. May scientific explanation kaya dito? Siguro di pa sanay mag-asembol ang parents. Kumbaga sa pag-asembol ng sasakyan, padaskol-daskol pa ang pagbuo. Kaya hayun, chaka ang nagiging bunga.

8. Mga panganay ang nagiging tutor at titser ng kanyang mga kapatid lalo na kung hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang parents.

9. Kung maagang nag-asawa ang panganay at hindi nakapagtapos ng pag-aaral, kadalasan, lalo na noong araw, nadadala na ang parents na pagtapusin ang mga nakababata. Damay-damay na ang lahat. Kawawa ang mga bunso, di na pagsisikapang pagtapusin sa pag-aaral.

10. Kung matino at masikap ang panganay,  kadalasang matitino rin ang mga nakababata dahil modelo nila ang kanilang ate o kuya.

ACIRC

ANG

DAMAY

IKAW

ITO

KAPAG

KAWAWA

KAYA

KUMBAGA

MGA

PANGANAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with