^

Punto Mo

Life is an Echo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HABANG abala sa pagbubungkal ng lupa ang isang magsasakang Scottish ay nakarinig siya ng palahaw ng bata. Pinuntahan ng magsasaka ang lugar ng pinaggagalingan ng iyak. Tumambad sa magsasaka ang isang batang nakalubog sa putik at kuntodong pumapalahaw ng iyak. Iniahon ng magsasaka ang bata sa putik na kahalintulad sa lubluban ng kalabaw. Inihatid ng magsasaka ang bata sa tinutuluyan nito. Nalaman niyang ang bata ay British na bakasyunista lamang sa kanilang lugar at sa sobrang kalikutan ay napapunta ito sa kabukiran at minalas na mahulog sa malalim na putikan.

Ang mayamang ama ng bata ay nagbigay ng pera sa magsasaka bilang pasasalamat dito ngunit tinanggihan ito ng magsasaka. Nakita ng mayaman na may anak ang magsasaka. Nahalata niyang lalaki din itong marangal kagaya ng kanyang ama kaya’t inalok nito ang magsasaka  na pag-aaralin niya ang anak nito. Ang anak ng magsasaka ay nakatapos ng kursong medisina sa tulong ng lalaking mayaman. Ang anak ng magsasaka na naging doktor ay si Sir Alexander Fleming na nang magtagal ay nakaimbento ng gamot na tinawag na Penicillin.

Sa kabilang dako, ang batang iniligtas noon ng tatay ni Dr. Fleming ay naging opisyal ng gobyerno sa England. Minsan ay nagkasakit siya ng pneumonia. Sa tulong ng Penicillin siya ay gumaling. Ang taong gumaling sa pneumonia dahil sa Penicillin ay si Winston Churchhill, na  Prime Minister ng England noon.

What you send out, comes back. What you sow, you reap. What you give, you get. What you see in others, exists in you. ~ Zig Ziglar

ANG

DR. FLEMING

INIAHON

INIHATID

MAGSASAKA

MINSAN

NAHALATA

PRIME MINISTER

SIR ALEXANDER FLEMING

WINSTON CHURCHHILL

ZIG ZIGLAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with