^

Punto Mo

Sir Juan (33)

Pang-masa

ALALANG-ALALA naman si Sir Juan kapag nakikitang alas dos na ng ma­daling-araw umuuwi si Mahinhin galing sa trabaho nito. Madalas na bumaba-ngon siya nang madaling araw para dyuminggel at nakikita niya na dumara-ting si Mahinhin. May sarili itong susi sa gate at sa main entrance. Delikadong oras na ang pag-uwi niya dahil may mga addict sa kalye na kadalasang nanghoholdap. At paano kung hindi lang siya holdapin? Paano kung molestiyahin? Kakaawa na­man si Mahinhin na nagsisikap para makatapos ng pag-aaral. Kahit napakahirap ng trabaho sa gabi ay nagtitiyaga para makatapos ng pag-aaral. Nakakaha­nga ang mga ganitong estud-yante na marubdob ang paghahangad na makatapos para maging maganda ang ki­nabukasan.

Sa lahat nang boarders niya ay si Mahinhin lamang ang working student. Karamihan ay pinadadalhan ng kani-kanilang mga magulang ng allowance mula sa probinsiya. Bagamat may mga kinakapos din ay hindi naman katulad ni Mahinhin na ang sarili ang sumusuporta. Lahat nang boarders ay taga-probinsiya. Si Nectar ay taga-Quezon at sa pagka­alam niya ay malaki ang taniman ng mais, pakwan at niyog ng mga magulang nito. Sagana sa allowance si Nectar. Ang pagkaalam niya ay MassCom ang kinukuha ni Nectar.

Si Diosa na isa sa mga boarder  ay maykaya ang mga magulang sa Batangas. May-ari ng mga bakery sa San Pascual at Tanauan ang mga magulang nito. Commerce ang course ni Diosa. Lingguhan kung padalhan ng allowance ng mga magulang.

Si Nene ay maykaya rin ang mga magulang sa Mindoro. May taniman ng kalamansi at sintures ang mga magulang sa Pinamalayan. Lingguhan din ang dating ng allowance nito.

Halos lahat ng boarders ay maganda ang kalagayan sa buhay maliban nga lang kay Mahinhin na nagtatrabaho pa­ra masuportahan ang sarili.

Ano kaya at bigyan niya ng scholarship si Mahinhin? Marami naman siyang ipon. Nang mamatay ang kanyang ina na si Aling Encar ay may iniwan ito sa kanyang ma-laking pera. Bigay sa kanya at pati sa kanyang kapatid na nasa Sydney. Pero dahil maganda ang buhay ng kanyang kapatid sa Sydney, pati ang kaparte nito sa mala-king pera ay pinagkaloob na rin sa kanya. Kaya marami siyang pera. Aanhin naman niya ang pera e wala naman siyang pamilya. Gamitin na lang niya sa kawanggawa.

Gawin kaya niyang scho­lar si Mahinhin? Ang gani­tong estudyante na masikap sa buhay ang kailangang suportahan. Pero puma-yag kaya? Baka tumanggi dahil mayroon siyang work sa pabrika.

Pero paano niya ma­lalaman kung hindi niya sasabihin dito.

Isang umaga, kumatok siya sa pinto ng kuwarto ni Mahinhin.

Bumukas ang pinto.

“Puwede kang maka­usap, Mahinhin?’’

“Opo Sir Juan. Pasok ka.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALING ENCAR

ANG

LINGGUHAN

MAGULANG

MAHINHIN

MGA

NIYA

OPO SIR JUAN

PERO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with