^

Punto Mo

Nagka-‘tulo’ ang ‘papa’ niya

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

Dear Dr. Gatmaitan,

Ako po ay isang bading, 26 years old, at may “papa” po ako.  Alam kong marami siyang pinapatulang bading, pero hindi ako nagagalit sa kanya dahil maging sino man siya ay mahal ko pa rin siya.  Pati nga mga babae ay nakikipagtalik sa kanya. Paano, kahit sinong babae at bakla na makakita sa kanya ay mabibighani. Hindi naman sa sobrang gwapo ang “papa” ko, malakas lang ang appeal.

Napag-alaman ko na lamang sa tropa niya na nagka-tulo siya. Hindi niya ito  ipinagtapat sa akin dahil nahihiya siya.  Alam kong galing sa babae ang sakit niya.

Sa ngayon ay wala na siyang sakit, gumaling na. Pero marami ang nagsasabi na pwede raw itong bumalik kung may nakain na bawal.

Totoo ba, Dok, na ang tulo ay walang kagalingan, at kung gumaling man ito ay maaaring bumalik kung may makain na bawal? Ano ba ang bawal na pagkain sa kanya?  Ano ang gamot para sa tulo para hindi na ito bumalik?

--Midnight Angel, Bacoor, Cavite

 

Dear Midnight Angel,

  Isang klase ng Sexually transmitted Disease ang tulo. Gonorrhea (go-no-ri-ya kung bigkasin) ang medical term dito. Nag-iiwan ito ng mantsang nana sa brief kapag naimpeksyon ka nito. Napakasakit ng may tulo, ayon na rin sa mga naging pasyente ko. Parang sinisilaban ang pakiramdam nila kapag umihi. Hindi mo kayang tiisin ang discomfort kaya tiyak na magpapakunsulta ka sa doktor kapag nahawa ng tulo. Mapapansin na may discharge na puti o dilaw sa ari. Nana (pus) ito, dala ng bakteryang nagdudulot ng gonorrhea. Puwede rin itong magdulot ng pamamaga at pananakit ng bayag na posibleng magbigay-daan sa pagkabaog.

 Neisseria gonorrhea ang scientific name ng bakterya na may dala ng tulo. Nakuha nga ito ng papa mo sa isang bayarang babae na nagkataong impektado ng tulo. Hindi mo kasi agad malalaman ang isang babaing may tulo. Kadalasang walang sintoma (asymptomatic) ang isang babaing may tulo. O kung mayroon man, ito ay ang pakiramdam na parang sinisilaban kapag umiihi, nagiging abnormal ang regla, at may lumalabas na discharge sa puwerta. At dahil akala ng babaeng impektado ay wala siyang tulo, maari niyang maihawa ito sa lahat ng makakatalik niya. 

Sa mga lalaki, lumalabas ang sintoma tatlo hanggang pitong araw matapos makipagtalik sa impektadong kapartner.

Dapat kang maging maingat sa pakikipagtalik sa papa mo. Masyado siyang malikot kung kaya’t posible ka rin niyang mahawahan ng mga sakit na makukuha niya. Alam mo bang puwede ring magkaroon ng gonorrhea sa puwit at lalamunan kung makikipagtalik ka sa taong kasalukuyang impektado nito?

Marami ng injection at gamot na mabisa laban sa tulo. Guma-galing naman completely ang tulo. Maipapayo kong gumamit ka ng condom kung di tiyak na malinis ang kapartner.           

Walang immunity sa tulo. Puwede kang paulit-ulit na magkaroon nito kung makikipagtalik sa taong impektado. Delikado kung ilang beses ka nang nagkatulo sapagkat puwede itong magdulot ng pagkabaog. Hindi babalik ang tulo dahil lamang sa nakaing pagkain. Walang bawal na pagkain para sa taong may tulo.

vuukle comment

ALAM

ANG

ANO

DEAR MIDNIGHT ANGEL

DR. GATMAITAN

HINDI

ITO

KUNG

NBSP

STRONG

TULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with