^

Punto Mo

‘Kulturang pangungunsinti’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI pa rin namamatay ang isyu ng tanim-bala.

Wala pa ring naghuhudas sa hanay ng mga paiyak-iyak pang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Para sa BITAG Live, may kulturang hindi nakikita subalit nararamdaman sa loob ng paliparan kaya buhay na buhay pa rin ang pananamantala.

Kulturang pangungunsinti ng mga sangkaterbang palpak na namumuno sa gobyerno.

Ayaw magsalita sa isyu. Ayaw tumingin sa pagpa-planta ng bala. Ayaw pakinggan anuman ang kanilang mga naririnig.

Kapag may bagong nabiktima, mas pinipili nilang lagyan nalang ng busal ang kanilang mga bibig, takpan ang kanilang mga tainga at pikitan nalang ang tanim-bala.

Ayos lang na may maidagdag sa estatistika ng mga nawawalan ng katiyakan at pag-asa basta ang samahan nila sa NAIA ‘di masira.

Tulad ng ginagawa ng tatlong kumag, kenkoy at kolokoy na sina Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, PNP Aviation Security Group Chief Pablo Francisco Balagtas at ang tagapagsalita ng Palasyo na si Sec. Edwin Lacierda.

Sa halip na ikondena ang terorismong pananakot, ang maririnig sa kanila kung hindi panga-ngatwirang isolated case lang ang nangyari, sasabihing ang tanim-bala imahinasyon lang ng media.

Setyembre palang, bago pa man naging mainit at nagdulot ng malaking kahiyaan sa bansa ang ‘nilaglag na bala’ tukoy na ng BITAG ang mga nasa likod nito.

May ugnayan at sabwatan sa pagitan ng mga putok sa buhong porter sa labas palang ng airport at ng mga nakatalaga sa screening machine.

Porter ang taga-nguso ng bibiktimahin. Sila ang magpa-planta ng bala sa bagahe ng pasahero partikular sa mga pobreng overseas Filipino workers (OFW).

Sa inisyal na pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI), ganito rin ang kanilang sinabi. Sa ibaba pa lang, nangyayari na ang modus.

Subalit si Transportation Sec. Joseph Abaya, hindi pa man nagsisimula ang imbestigasyon, pinangunahan na agad. Wala raw sindikato o grupo sa likod ng terorismong ito.

Ibig bang sabihin, Sec. Abaya, ang pagpapaimbestiga ni Pangulong Noy Aquino sa NBI sa tanim-bala, sarsuela at moro-moro lang?

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ANG

AVIATION SECURITY GROUP CHIEF PABLO FRANCISCO BALAGTAS

AYAW

BALA

EDWIN LACIERDA

GENERAL MANAGER JOSE ANGEL HONRADO

JOSEPH ABAYA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with