‘I-knock out si Pacman’
LET’S get ready to rumble… teka, hindi pa tumutunog ang bell na hudyat ng simula ng babakbakan pinatutulog na si PACQUIAO?
Isa sa nangangarap na umupo sa Senado ay ang ‘Boxing Champion’ at Saranggani Representative na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao.
Kapag sikat ka at maingay ang pangalan mo kumpara sa ibang kandidato malaki na ang tyansa na masungkit mo ang pinapangarap mong posisyon.
Sa plataporma pa lang puro sila may sinasabi para sa ikauunlad ng Pilipinas pero kapag nakaupo na sa posisyon ilan lang ba sa kanila ang talagang nagtatrabaho ng husto para naman maging sulit ang pinapasahod sa kanila ng taong bayan? Para mapunta ang ‘development fund’ sa tamang pagkakagastusan.
Isang nagngangalang Ferdinand Sevilla na taga Makati ang naghain ng petisyon para madiskwalipika si Pacman sa pagtakbo sa pagka-Senador.
Hindi daw karapat-dapat sa pwesto si Pacman dahil sa ‘absenteeism’. Sa 168 na ‘session days’ noong 2013 at dumalo lang siya ng anim na pung beses lang.
Nung 2014 naman pitong beses lang siya nagpakita sa Kongreso sa 70 session days.
Laging wala si Pacman dahil sa pag-eensayo kapag may laban, taping sa kanyang mga programa sa telebisyon o kapag may training sa basketball kung saan coach siya ng Philippine Basketball Association team Mahindra Enforcers kaya’t hindi niya nairerepresenta ng maayos ang kanyang mga nasasakupan.
May pagkakataon pa daw na kinukwestiyon niya ang isang isyu sa Reproductive Health Bill na naitanong na at nasagot nung panahong hindi siya dumalo sa pagdinig.
Hiling ni Sevilla ideklarang ‘nuisance candidate’ itong si Pacman dahil hindi daw ito seryosong kandidato.
Ayon sa ‘Omnibus Election Code of the Philippines’, ‘an aspirant may be declared as a nuisance candidate if proven that his/her certificate of candidacy “has been filed to put the election process in mockery or disrepute or to cause confusion among the voters by the similarity of the names of the registered candidates or by other circumstances or acts which clearly demonstrate that the candidate has no bona fide intention to run for the office for which the certificate of candidacy has been filed and thus prevent a faithful determination of the true will of the electorate.’
Alam nating lahat na hindi pa magreretiro si Pacman sa kanyang pagiging boksingero. Nagbibigay nga siya ng karangalan sa Pilipinas dahil sa galing at narating niya sa larangan ng boksing pero sinisira niya ang sariling pangalan sa pagpasok niya sa politika at sa paghahangad ng mas mataas na pwesto.
Mas maganda kung pipili na siya kung anong karera ba ang ipagpapatuloy niya. Mas malaking responsibilidad ang pagiging Senador. Hindi pupwedeng maging sideline lang ito. Hindi na uubra yung lagi siyang lumiliban sa mga sesyon.
Kung lagi kang wala paano ka makaakatulong sa inyong lugar? Sa buong bayan. Sayang na sayang lang ang buwis na ibinabayad ng taong bayan para ipasweldo sa ‘yo.
Matapos na pati ang asawa niyang si Jinkee, yung dalawa naman niyang kapatid ang kasama niyang sasabak sa eleksyon.
Ano ba yan? Only in the Philippines sabi nga!
PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest