^

Punto Mo

Sir Juan (6)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANG babaing duma-ting ay si Nectar, 19 anyos at kumukuha ng Mass Comm. Taga-pro­binsiya  rin si Nectar pero sos­yalin ang dating nito. Seksi. Laging naka-pekpek shorts.

“Ano ang kailangan mo Nectar?’’ Tanong ni Sir Juan. Ngayon lang lumapit sa kanya si Nectar mula nang ito ay maging boarder. At siguro’y mahalaga ang ka­ilangan nito kaya kakausapin siya. Baka kaya may hindi nagustuhan si Nectar at balak nang umalis.

“Meron lang akong itatanong, Sir Juan.’’

“Ano ‘yun? May problema ba sa kuwarto? Mayroon bang bubwit o ipis?’’

Nagtawa si Nectar. Nakita ni Sir Juan ang pantay-pantay at mapuputing ngipin ni  Nectar.

‘‘Walang problema, Sir Juan.’’

‘‘Anong itatanong mo?’’

“Kuwan, huwag kang magagalit Sir Juan.’’

“Sige, hindi ako magagalit Nectar. Ano ba ‘yung sa-sabihin mo?’’

“May asawa ka na Sir Juan?’’

Nagulat si Juan. Ano bang tanong nitong si Nectar?

‘‘Wala pa. Bakit mo naitanong?’’

“Wala lang Sir Juan. Kasi’y tatlong taon na ako rito sa boarding house mo pero hindi ko alam kung may wife ka.’’

‘‘’Yun lang ang itatanong mo Nectar?’’

“E kailan ka mag-aasawa?’’

Natameme si Juan. Ano ba naman ang tanong ni Nectar at masyado namang deretsahan. Natotorpe siya kapag ganito ang usapan. Mukhang may gustong ipahiwatig si Nectar. Ano ba itong babaing ito at parang wild yata.

“H-hindi ko alam Nectar.’’

“Bakit Sir Juan?’’

Napalunok si Sir Juan. Ano ba naman itong si Nectar at maraming inuusisa sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Sabihin kaya niya ritong natotorpe siya?

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

ANONG

BAKIT SIR JUAN

JUAN

MASS COMM

NECTAR

SIR

SIR JUAN

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with