^

Punto Mo

Sir Juan (4)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAMUMROBLEMA si Juan. Nadadagdagan ang kanyang edad. Sa isang buwan ay madadagdagan na naman at nag-iisip siya kung makakapag-asawa pa. Hindi kasi siya makapagtapat sa babae. Pawang tingin lang siya. Ni hindi siya makapagbiro. Torpe siya.

Noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo sa kursong Education, mayroon siyang natipuhang babae. Classmate niya ang babae. Maganda. Maputi. Talagang type na type niya. Pero hindi niya nagawang makausap man lamang dahil natorpe siya. Kapag nakikita niya ang babae ay hindi siya mapakali. Mayroon na sanang pagkakataon na makausap at mapagtapatan ng pag-ibig pero natorpe siya.

Hanggang sa mabalitaan na lamang niya na siyota na ito ng isa nilang kaklaseng lalaki. Naunahan na siya. Mahina kasi siya. Tatae-tae!

Minsan nga, tinanong siya ng kanyang ina – si Aling Encar kung mayroon siyang nililigawan. Sabi niya’y wala pa. Kinantiyawan siya ng ina na manligaw at baka siya maging matandang binata. Hindi siya nakapagsalita. Paano nga siya makakapanligaw ay torpe siya.

Ngayong wala na ang kanyang ina ay naiisip niya ang mga sinabi nito na baka nga tumandang binata siya. Malapit na siyang mag-45. Matandang tinale na siya at hindi pa naisasabong. Gusto na niyang maisabong pero ang problema ay kung kanino siya isasabong.

Siguro’y dahil sa pihikan siya kaya hindi rin agad makakita ng mapapangasawa. Masyado siyang pihikan. Gusto niya ay maputi at makinis ang kutis. Hanggang balikat ang buhok at mabait.

Pero saan siya maka­kuha nang ganoong babae ay hindi naman siya luma­labas at nakikipagkilala sa mga babae.

Napahinga si Juan. Pro­b­lemado siya kung paano mawawakasan ang pagi-ging binata. Gusto na niyang may makasama sa buhay. Paano kaya ang gagawin niya? Ano kaya at magturo siya at baka sa school makakita ng teacher na liligawan?

Hanggang sa makakatulog siya sa pag-iisip sa bagay na iyon.

 

PATULOY siya sa pagma-manage ng boarding house. Mara-ming estudyante na nais mag-board at mag-bed space. Talagang mara-ming naghahanap ng matitirahan.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALING ENCAR

ANG

ANO

HANGGANG

HINDI

NIYA

PAANO

PERO

SIYA

TALAGANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with