^

Punto Mo

Panghuhusga

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAG-AWAY ang manugang na babae at kanyang bi-yenang lalaki. Malakas ang sigawan. Abot hanggang tenga ng mga kapitbahay. Ang biyenan ay nakikitira lang sa kanila. Wala itong trabaho. Wala rin trabaho ang manugang. Ang mister lang ang nagtatrabaho. Sumbat ng manugang sa biyenan: Bakit hindi ka umalis dito sa aming bahay? Pabigat  ka lang dito.

Nanggagalaiting sagot ng biyenan: At anong akala mo sa iyong sarili, “pampagaan”? Di ba’t pabigat ka rin sa aking anak  dahil wala kang trabaho? Hiyang-hiya  naman ako  sa iyo!

Ito ang halimbawa ng  favorite quotation ni President Abraham Lincoln: Judge not, that ye, be not judged.”

Upang maiwasan ang nakasasakit na pamumuna sa kapwa ay tandaan natin ang sinabi ni Abraham Lincoln tungkol sa isang katotohanan: Ang tao ay hindi lang puro talino, emosyunal din sila at ma-pride.

Kaya delikadong patikimin  ng maanghang na kritisismo ang isang tao. Nakasusugat ito ng kanilang pride. Nakakabawas ng sense of importance at nakapagpapakulo ng dugo. Kaya ang tendency ng hinusgahan ay dumampot din ng putik na ikukulapol niya sa mukha ng nanghusga sa kanya. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit maraming artista ang pumapatol sa kanilang social media “bashers”.

Isang chaplain ng provincial jail ang  nagsabi na majority ng mga preso dito ay nagsasabing wala silang kasalanan o kaya ay biktima lang ng pagkakataon at pangyayari, kaya huwag daw silang husgahan. Kung ‘yung mga preso ay ayaw mahusgahan, iyon pa kayang kagaya natin na malayang namumuhay?

At saka ingat din sa pamumuna dahil kung ano ang ipinipintas mo sa ibang tao, minsan, iyon pala ang mismong kapintasan mo.

ABOT

ABRAHAM LINCOLN

ACIRC

ANG

BAKIT

HIYANG

ITO

KAYA

NBSP

PRESIDENT ABRAHAM LINCOLN

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with