Sir Juan (2)
NASA 20 babaing estudyante ang nangu-ngupahan sa apartment ni Juan. Noong nabubuhay pa ang kanyang ina na si Aling Encar, umabot sa 30 ang mga nakatira. Tanggap nang tanggap ang kanyang ina lalo na kapag mga estudyanteng nahihirapan na kung saan titira. Karamihan sa mga nangungupahan ay mga estudyante mula sa probinsiya. Palibhasa’y anak mahirap ang kanyang ina kaya laging prayoridad ay mga kapos sa budget. Mada-ling pakiusapan ang kanyang ina. Kapag mayroong kulang ang pang-down, pumapayag na susunod na araw o linggo na ibigay at tinatanggap na ang boarder o bedspacers.
Kabilin-bilinan ng kanyang ina na pawang mga babaing estudyante ang tatangga-ping boarders at bedspacers. Wala raw gulo kapag mga babae ang boarders.
Kaya nang yumao si Aling Encar, kay Juan na nalipat ang pamamahala. Siya lang talaga ang mamamahala ng boarding house dahil ang kanyang kapatid ay nasa Australia.
Kung ano ang ipinatutupad ng kanyang ina sa pagpapaupa, iyon din ang ginagawa ni Juan.
Gaya minsan, may isang nag-inquire na babaing estudyante na nais mag-bedspace. Sinabi niya rito ang bayad para sa bedspace. Nakita niyang nalungkot ang babae makaraan niyang sabihin ang bayad.
“Bakit may problema ba?’’ Tanong niya.
“E kasi po kulang na itong pera ko. Kapag itinodo ko po sa upa, wala na akong kakainin. Sa Linggo pa po magpapadala sina Itay at Inay. Puwede po bang sa Linggo na?’’
“O sige. Walang problema.’’
“Puwede na po akong tumira?’’
“Oo naman. Sige ayusin mo na ang bed mo.’’
“Salamat po, Sir Juan.’’
Iyon ang turo ng kanyang ina kaya sinusunod niya. Hindi niya babaliin ang utos ng kanyang ina. Bawat mga babaing estudyante na kapos ang pambayad sa upa ay bibigyan niya ng pagkakataon.
Hindi siya magkakait ng tulong sapagkat ayon sa kanyang ina, babalik din iyon at mas malaki pa.
Minsan isang estudyante ang nag-inquire at mukhang kapos din sa pangangaila-ngan. Maganda ang estud-yante. Parang nabighani si Juan sa ganda ng estudyante
(Itutuloy)
- Latest