^

Punto Mo

Mga kabataan sa lansangan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Grabe kung napanood ninyo sa telebisyon na aktong nakunan ng camera ang rambulan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa Tonsuya, Malabon.

Hindi basta mga kabataan, mga paslit pa ang karamihan na makikitang nagsusuguran at nagpapalitan ng batuhan.

Bukod sa mga dalang bato, mga tubo, nasumpungan din ang ilan na armado ng sumpak na ginagamit nila sa rambulan.

Kakaiba na ito sa dating mga away-bata na nagdidilaan at tuksuhan lamang, ngayon lusuban at talagang sakitan.

Hindi lang sa Malabon nasusumpungan ang ganitong rambulan ng mga kabataan, kung iikot kayo sa buong Metro Manila sa bawat sulok laganap ang ganitong insidente.

Sa mga grupong ito na nga nag-usbungan ang mga ‘batang hamog’ na sangkot sa ibat-ibang uri ng krimen kahit sa kanilang murang edad.

Nandyan din ang  nagkalat na rugby boys na talaga namang harapan sa pagsinghot at kapag high na sa kanilang inaamoy, nasasangkot na sa mga pang-iisnatch at panghoholdap.

Sa kabuuan, ang mga magulang ang unang dapat na managot at gumabay sa mga kabataang ito para hindi maligaw ng kanilang mga landas, at ang pangunahing ahensya naman ng pamahalaan na dapat ring tumutok sa mga ito ay ang DSWD.

Mistulang hindi rin ito napapansin ng naturang ahensya kahit na nga harapan at kitang-kita ang pagdami ng ganitong mga kabataan na nagkalat na palaboy na kabataan sa lansangan.

Dapat na mabigyan ng pansin ang mga batang ito na imbes nasa paaralan ay sa lansangan naghahanap ng kapalaran.

Kung hindi maisasalba ang mga batang ito, asahan na darating ang araw sila ang magiging matinding problema ng pamahalaan.

ANG

BUKOD

DAPAT

GRABE

ITO

KAKAIBA

MALABON

METRO MANILA

MGA

MISTULANG

NANDYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with