^

Punto Mo

EDITORYAL – Tumaas ang bilang ng mga nagkaka-dengue

Pang-masa

AYON sa Department of Health (DOH), dumami ang nagka-dengue ngayong taon na ito kumpara noong nakaraang taon. Mula Enero hanggang Agosto 2015, may 55,079 kaso ng dengue ang na-monitor buong bansa. Tumaas ng 9.15 percent ang mga nagka-dengue ngayon kumpara sa nakaraang taon sa parehong period.

Sabi ni Health Secretary Janet Garin, tumaas ang nagka-dengue sa Cavite, Central Luzon, at Central Visayas. Nagdeklara na ang local government ng Cavite ng state of emergency dahil sa pagdami ng dengue victims. Ayon pa sa DOH ang pagdami ng dengue victims ay dahil na rin sa impact ng El Niño. Nagkukulang na ang tubig sa mga dam kaya ang abiso ng mga water distributors (Maynilad at Manila Water) sa consumers na mag-imbak ng tubig sapagkat babawasan ang alokasyon upang hindi agad maubos sa panahon ng pananalasa ng El Niño. May mga nag-iipon ng tubig subalit hindi naman tinatakpan ang mga lalagyan at dito nangingitlog ang mga lamok na may dengue.

Ipinaalala ng DOH na maging maingat at huwag hahayaang nakalantad ang mga drum, timba at ibang lalagyan ng tubig para hindi pangitlugan ng lamok. Ipinayo rin ng DOH sa mamamayan na maglinis ng kapaligiran. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga lamok na tinatawag na Aedes Aegypti.

Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig. Mabilis dumami ang mga lamok sa mga hindi umaagos. Madaling makikilala ang Aedes Aegypti sapagkat batik-batik ang katawan nito. Kadalasang sa araw ito nangangagat. Karaniwang biktima ng dengue ay mga bata.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat (rashes) pananakit ng ulo at kasu-kasuan, at pagsusuka.

Paigtingin pa ng DOH ang pagbibigay ng inpormas­yon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib. Ituro sa mga estudyante ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran para walang lamok na mabuhay. Delikado ang dengue kaya nararapat na malipol ang mga lamok.

AEDES AEGYPTI

ANG

ATILDE

CAVITE

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

EL NI

HEALTH SECRETARY JANET GARIN

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with