^

Punto Mo

Magnet lady: Nakakolekta ng 35,000 fridge magnets!

- Arnel Medina - Pang-masa

KARANIWAN nang makikita ang mga nakadikit o nakadispley na magnet sa pinto o katawan ng refrigerator. Iba’t iba ang mga naka-adornong magnet na nagpapaganda sa ref. Para sa iba, hindi kumpleto kung walang dekorasyong magnet ang kanilang ref.

Pero kung sa paramihan ng magnet ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa koleksiyon ni Louise J. Greenfarb, tinaguriang “The Magnet Lady from Henderson”.

Masyadong nahumaling si Mrs. Greenfarb sa pagkolekta ng refrigerator magnets hanggang sa makakolekta siya ng 35,000 nito. Mula dekada ’70 pa nagsimulang mag-ipon si Mrs. Greenfarb. Dahil sa dami nang naipon, siya ang nakakuha ng bagong world record sa may pinakamaraming collection ng fridge magnets, ayon sa World Record Academy.

Dahil sa dami ng collection, halos wala na siyang paglagyang refrigerator kaya nakalagay na lamang ang mga magnet sa iba pang bahagi ng kanyang bahay sa Nevada.

Ang 7,000 magnets na collection ni Greenfarb ay napasama sa exhibited ng Guinness World Records Museum sa Las Vegas.
 

vuukle comment

ANG

DAHIL

GREENFARB

GUINNESS WORLD RECORDS MUSEUM

HENDERSON

LAS VEGAS

LOUISE J

MAGNET

MAGNET LADY

MRS. GREENFARB

WORLD RECORD ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with