^

Punto Mo

Kakaibang pag-abuso sa pagkain

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Adik sa Energy Drink

Ang katotohanan ay adik ang babaeng taga-New Zealand  sa pagpapaseksi at ang nakita niyang solusyon ay tumungga nang tumungga ng energy drink. Tumaba siya matapos mabuntis at manganak. Gusto ay pumayat kaagad kaya naisipang huwag kumain ng solidong pagkain at sa halip ay uminom lang ng  energy drink. Ang alam niya ay nakakawala ito ng ganang kumain. Pagkaraan ng ilang buwan siya ay pumayat. Pero kasabay ng pagpayat, siya ay na-stroke.

Adik sa Carrots

Sinabi ng babae sa kanyang kaibigan na ang isang mabilis na paraan para maging tan ang balat ay kumain ng carrots. Magkukulay orange ang balat na kapag nagbilad sa araw ay maa-achieve ang pagiging tan. Kaso hindi naniniwala ang kaibigan. Sa kagustuhang mapatunayan na totoo ang kanyang sinasabi, nang mga sumunod na araw ay wala siyang kinakain kundi carrots at ang iniinom lang ay carrots juice. Naging orange ang kulay ng kanyang balat, kaya lang ay naging malnourished naman siya.

Adik sa Beer

Ginaya ng lalaking taga state of Iowa ang ginagawa ng mga Bavarian monk na beer lang ang iniinom kapag nag-aayuno sa panahon ng Lent. Ang Lenten season ay tumatagal ng 40 to 46 araw. Pero may hindi siya alam na ginagawa ng mga monk para tumagal ang katawan ng mga ito sa pag-aayuno. Wala pang 40 araw na beer lang ang kinokonsumo araw-araw, ang lalaki ay na-comatose. Ginawa ng lalaki ang pag-aayuno hindi para magpakabanal kundi para lang may excuse siya sa pag-inom ng beer.

Adik sa softdrink

Ang babaeng taga New Zealand ay kumukonsumo ng 10 liters ng softdrinks kada araw. Sinasamahan pa ito ng isang paketeng sigarilyo. Kakaunti lang siyang kumain. Pagkaraan ng mahaba-habang panahon, ang babae ay namatay. Sinubukang idemanda ng pamilya ang softdrink company ngunit hindi nagtagumpay. Ang katwiran ng kompanya, wala silang kasalanan sa naging choice ng babae kung ano ang kakainin nito sa araw-araw. Kung idedemanda sila, bakit hindi rin nila idemanda ang kompanya ng sigarilyo?

ADIK

ANG

ANG LENTEN

ARAW

GINAWA

GINAYA

LANG

NEW ZEALAND

PAGKARAAN

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with