^

Punto Mo

HPG, bangon-puri sa EDSA

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI pa siguro alam ng ilan na masama ang tingin ng mga biyaherong negosyante o truck drivers sa Highway Patrol Group (HPG) ng PNP.

Ang mga biyahero na labas-masok sa Metro Manila mula sa mga probinsiya ay iniiwasan ang ilang tiwaling HPG dahil sa mga reklamo ng pangongotong.

Binansagang “buwitre sa highway” ang HPG dahil  kahit legal man o lehitimo ang mga biyaherong negosyante ay naging obligasyon na ng mga ito na mag-abot ng “pang-kape”.

Kahit kaninong biyahero n’yo itanong mayroon na silang inilaan na budget at ibinibigay sa kanilang mga driver para pang-abot sa mga nakabantay na HPG.

Pero dahil sa pagbibigay ng bagong responsibilidad sa HPG sa pagmamando sa trapiko sa EDSA, biglang pumogi ang mga ito sa mata ng publiko lalo na sa Metro Manila.

Matatawag na bangong-puri sa imahe ng HPG ang panibagong trabaho sa EDSA. Kung magtutuluy-tuloy ito, manunumbalik ang tiwala ng publiko.

Dito sa Metro Manila ay hindi masyadong kilala ang HPG sa kanilang pangongotong sa mga biyahero.

Pangunahing responsibilidad kasi ng HPG ay ang carnapping, highway robbery at hijacking.

Sana, totohanan at hindi ningas kugon ang trabaho ng HPG na isaayos ang trapiko sa EDSA. Ito ang maghuhudyat upang makabangon sila sa masamang imahe.

Bantayan natin ang trabaho ng HPG upang mapagtagumpayan ang problema sa trapiko.

ANG

BINANSAGANG

DITO

HIGHWAY PATROL GROUP

HPG

ITO

KAHIT

MATATAWAG

METRO MANILA

MGA

PANGUNAHING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with