^

Punto Mo

EDITORYAL – Babala: Air pollution sa Metro Manila nakamamatay

Pang-masa

KUNG ang trapik sa Metro Manila ay nakapagdudulot ng stress, mas delikado ang air pollution sapagkat maaaring magdulot ng mga sakit na ikakamatay. Kung ang Pilipinas ay panglima sa mga bansang may pinaka-worst traffic sa mundo, nasa 136 naman ito sa mga bansang ayaw puntahan ng turista dahil sa sobrang dumi ng hangin. Ayaw ng mga dayuhan sa lungsod na may nakamamatay na hangin.

Nakabalot sa papawirin ng Metro Manila ang nakalalasong usok na nalalanghap ng mga tao. Lubhang napakalayo ng Metro Manila para piliin. Sa 230 lungsod na pinagpipilian para puntahan at tirahan, nasa ika-136 na puwesto ang Metro Manila. Pinakamarami ang gustong manirahan sa Vienna, Austria.

Sa mga siyudad sa Southeast Asia, pinakamarami naman ang gustong manirahan sa Singapore na nasa ika-26 na puwesto. Pinagbasehan sa ranking ang political and social environment, economic environment, socio cultural environment, medical and health considerations, schools and education, public services and transport, recreation, housing and natural environment.

Mapanganib ang air pollution sapagkat unti-unting pinapatay ang mamamayan. Nagdudulot nang maraming sakit gaya ng pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso.

Maraming pinagkakaabalahan ang pamahalaan subalit ang panganib na dulot ng nakalalasong hangin ay hindi binibigyang pansin. Nasaan na ang anti-smoke belching campaign ng DENR? Ningas kugon ba? Nasaan na ang sinabi ng LTFRB na ipagbabawal na ang mga sasakyang may edad 15 taon pataas. Bakit narerehistro pa ang mga karag-karag na sasakyan na nagbubuga ng nakakalasong usok? Nasaan na ang Clean Air Act of 1999?

Nasaan na ang kampanya laban sa mga lumalason sa kapaligiran?

Ang kawawa ay ang mga susunod na henerasyon na hindi na makalalanghap ng sariwang hangin sa Metro Manila. Sisihin ang pamahalaang walang pagmamahal sa kalusugan ng mamamayan.

ANG

AYAW

BAKIT

CLEAN AIR ACT

LUBHANG

MAPANGANIB

MARAMING

METRO MANILA

MGA

NASAAN

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with