^

Punto Mo

Sampaguita (152)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KATULAD ng mga linta, tumiklop din ang mga ahas kay Sam. Nagyukuan ang ulo ng mga ito at isa-isang gumapang palayo. Para bang takot na takot sila kay Sam. Nawala ang singasing ng mga ito at biglang naging maamo.

Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Sam sa Diyos at sa mutya na nasa kanyang bibig. Hindi muna niya aalisin sa bibig ang mga mutya. Kapag nakalabas na siya sa resort saka niya iyon gagawin. Hindi pa niya alam kung ano ang sunod na mangyayari. Baka mayroon pang mababangis na hayop si Levi na pinakawalan para hanapin siya.

Nalampasan niya ang malalagong damo at mga bagin. Binilisan niya ang paglalakad. Nang malapit na siya sa maraming puno ng niyog, ay lumingon siya para tiyakin kung nasundan siya ni Levi. Wala si Levi! Hindi siya nasundan. Salamat sa Diyos!

Nagpatuloy siya sa pagla-lakad. Ilalim ng niyugan ang tinahak niya. Matataas ang punong niyog. Malinis naman ang ilalim ng mga puno. Pag-aari pa rin kaya ni Levi ang niyugan na ito? Baka hindi na. Masyado nang malayo sa resort. Ilang kilometro na ang nalalakad niya.

Hanggang sa ipasya niyang alisin sa bibig ang mga mutya. Pakiramdam niya, wala nang panganib. Itinago niya sa bag ang mga mutya.

Nagpatuloy siya sa pag­lalakad. Kailangang may makita siyang kalsada. Ka­pag nakakita siya ng kalsada, ligtas na siya.

Pero hindi kalsada ang nakita ni Sam sa ilalim ng niyugan kundi isang kubo.

Maaari siyang humingi ng tulong sa nakatira sa kubo.

Lumapit siya sa kubo. Nag-‘‘tao po’’ siya. Walang sumasagot.

Inulit niya ang pagtawag. Wala pa rin.

Nalito si Sam kung papasok o hindi sa loob ng kubo. Pero nakadama siya ng uhaw. Tuyo na ang lalamunan niya dahil sa malayong paglalakad. Gusto niyang uminom.

Ipinasya niyang pumasok sa loob. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINILISAN

DIYOS

GANOON

MGA

NAGPATULOY

NIYA

PERO

SIYA

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with