^

Punto Mo

Pinakamahal na ice cream sa mundo, $817 kada scoop!

- Arnel Medina - Pang-masa

MAITUTURING na luho ang pagkain ng ice cream ngunit masasabing higit pa sa pagiging luho ang isang klase ng ice cream na ipinagbebenta sa Dubai dahil sa nakakalulang presyo nito na $817 (katumbas ng P38,000) kada scoop.

Ang ice cream, na tinaguriang ‘Black Diamond’, ay ipinagbebenta ng Scoopi Café  at ito ang sinasabing pinakamahal na ice cream sa mundo. May isang ice cream na ipinagbebenta sa New York na nagkakahalaga ng $25,000 (P1.1 milyon) ngunit ang nasabing presyo ay dahil sa diyamanteng tasa na pinaglalagyan nito at sa kasamang gintong kutsarita.

Hindi ito katulad ng Black Diamond na napakamahal ng presyo dahil sa mismong mga sangkap nito. Gawa ang ice cream sa Madagascar vanilla na binudburan ng Italian truffles at Iranian saffron, na nagkakahalaga ng $100 (P4,500) kada ounce. May toppings din na maliliit na piraso ng 23 karat na ginto ang ice cream. Edible o nakakain ang gintong ibinudbod sa ice cream kaya wala dapat ipag-alala ang mga bibili nito.

Dahil sa presyo nito ay hindi na dapat ipagtaka na simula nang ipagbenta sa publiko ang Black Diamond ay dalawa pa lamang daw ang bumibili nito.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BLACK DIAMOND

CREAM

DAHIL

DUBAI

GAWA

ICE

NEW YORK

NITO

SCOOPI CAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with