^

Punto Mo

Hindi mapagkakatiwalaan ang BoC

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAITUTURING na pang-aapi at pagmamaliit ng Bureau of Customs (BoC) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang paghihigpit sa balikbayan boxes.

Tila hindi nag-iisip nang maayos  si BoC Commissioner Bert Lina at hinigpitan pa ang mga OFWs na isang kabaliktaran sa pagdedeklara na bagong bayani ang mga manggagawang Pilipino.

Kahit anong paliwanag ng BoC na ipinatutupad lang nito ang umiiral na batas patungkol sa pagbubuwis ay hindi ito kayang tanggapin ng publiko.

Hindi naman masugpo ng BoC ang malawakang smuggling sa bansa dahil patuloy pa rin ang iligal na pagpupuslit ng mga bigas, bawang, sibuyat mga mamahaling sasakyan.

Ang balikbayan boxes ng mga OFW ay pinaghirapang ipunin ng mga kawawang manggagawa upang ipadala sa kanilang pamilya.

Dapat higpitan ng BoC ang pagdating ng mga container na madalas ay inilulusot ng ilang tiwaling negosyante at mali ang pagdedeklara sa laman nito upang makaiwas sa mataas na bayarin sa buwis.

Isa sa pangunahing concern ng mga ofws ay ang kawalan ng tiwala sa mga tauhan ng BoC dahil marami ang nakikitaan ng pag-abuso at asahan na magiging panibagong uri na naman ng katiwalian sa ahensiya.

Nasira ang imahe ng BoC dahil marami ang nasasangkot sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa ganitong sistema ay patunayan ng BoC na matitino at mapagkakatiwalaan ang kanilang mga tauhan na naatasan na bumusisi sa balikbayan boxes.

Kapag may nasangkot na tauhan ng BoC sa katiwalian at pagnanakaw sa balikbayan boxes  agad patawan ng pinakamabigat na parusa pero ang makabubuting gawin ng gobyerno ay bumili nang maraming x-ray machines upang hindi na kailangan pa ang manu-manong pagrikisa maliban na lamang sa mga mapagdududahan na kargamento.

ANG

BOC

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER BERT LINA

DAPAT

ISA

KAHIT

KAPAG

MGA

NASIRA

PILIPINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with