^

Punto Mo

Sampaguita (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI mapakali si Levi. Ngayong nalaman niya na si Sir Manuel pala ang nasa likod ng planong paghihiganti ay lalong nadagdagan ang galit niya rito. Kaya pala biglang lumipat dito si Sam ay para siya gantihan. Bumili pa ng bahay at lupa sa mismong katabi ng bahay niya. Pinag-isipan talaga ng matanda ang paghihiganti. Pero malas lang ng matanda dahil nabisto niya ang plano nito. Ha-ha-ha! Sino ang mag-aakalang malalaman niya ang malaking plano para sa kanya? Mabuti na lamang at nakapasok siya sa bahay na hindi namamalayan ng dalawa.  Sapol na sapol niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Masama pala ang balak sa kanya.

Hayup na Sir Manuel na iyon at paghihigantihan pala ako dahil sa nangyari sa kanyang anak na si Ylang-Ylang! Humanda kayong dalawa sa gagawin ko!

Pinlano ni Levi ang mga gagawin kina Sir Manuel at Sam. Uunahin muna niyang gantihan si Sir Manuel. Ipapatay na kaya niya ang matanda? Madali lang kumontak ng riding-in-tandem. Pasusundan lang niya ang kotse nito sa tandem at pagtumigil sa traffic light ay “bang”! Puwede! Puwedeng-puwede ang naisip niya! Kailangan lang ay malinis ang plano. Ibang tao ang pakokontakin niya sa tandem para hindi siya paghinalaan. Kailangang hindi siya mati-trace.

Kapag naisagawa niya ang planong iyon, si Sam naman ang isusunod niya. Katulad ni Ylang-Ylang ay ganundin ang mangyayari kay Sam. Bubuntisin muna niya ito at saka iiwan. Tiyak na papayag si Sam na may mangyari na sa kanya dahil nagpapakita na ito ng mga senyales sa kanya. Nang maligo sila sa swimming pool noong isang araw ay halos ikiskis na niya sa katawan nito ang kanyang pagkalalaki. Nahipo na niya ang ilang bahagi ng katawan nito. Pumapayag nang pahawak. Napakalambot ng katawan ni Sam. Makinis na makinis.

Gusto na nga sana niyang sundan ito sa kuwarto makaraang maligo sila sa swimming pool pero pinigil niya ang sarili. Hindi pa oras. Kailangang makapagpakita pa ng kaunting kabaitan. Ha-ha-ha!

Paniwalang-paniwala si Sam na ang dalawang lalaking tangkang magnakaw sa bahay niya ay mga totoong kawatan. Hindi niya alam na mga tauhan niya iyon sa brokerage. Bilib na bilib sa kanya si Sam lalo na ng labanan niya ang dalawang kawatan kuno. Akala ay mahusay siya sa Karate at taekwondo. Ha-ha-ha! Magaling lang siyang mag-artista kaya hindi halata na mga peke ang mga porma niya sa karate. Paniwala na napatakbo niya ang dalawang magnanakaw kuno.

At lalo pang naniwala si Sam nang iharap niya ang dalawa. Binitbit niyang parang mga kuting ang dalawa at iniharap kay Sam. Mahusay ding umarte ang dalawang kawatan. Kuntodo may pasa pa sa pisngi at sira-sira ang damit na parang ginulpi ni Karate Kid Levi, ha-ha-ha!

Paiibigin pa niya nang todo si Sam. Yung sa sobrang pagkahumaling sa kanya ay eto na ang magyayayang pakasal sila. Pero bakit naman niya ito pakakasalan? Bubuntisin lang niya ito at tapos ang kuwento.

Bukas, sisimulan niya ang plano para kay Sir Manuel. Maghahanap siya ng taong kokontak sa tandem. Kailangang mawala ang matanda. Makikita niya ang bangis ni Levi!

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG

BILIB

BUBUNTISIN

HINDI

KAILANGANG

KARATE KID LEVI

MGA

NIYA

PERO

SAM

SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with