^

Punto Mo

Sa halip na inumin, alak sinisinghot na lamang sa isang bar sa London

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong bar sa London ang may bagong pakulo – sa halip kasi na lagukin ng kanilang mga parukyano ng alak at iba pang mga nakakalasing  na inumin na kanilang ipinagbebenta ay sinisinghot lang nila ang mga ito.

Nasa Borough Market, London ang bagong bar na Alcoholic Architecture at nangangako itong magbibigay sila ng bagong karanasan para sa lahat ng umiinom ng alak. Upang mahithit ng customer ang alak na kanilang binili ay papasok sila sa isang kulob na silid kung saan maaaring singhutin ang singaw ng alcohol na ibinubuga ng isang espesyal na humidifier na para sa mga nakakalasing na inumin.

Mabilis ang epekto ng singaw kaya kahit sandali pa lamang ang nakakalipas ay malalasing na kaagad ang sumisinghot nito. Ito ang dahilan kung kaya pinagsusuot ng kapote ang mga customer upang hindi masyadong masipsip ng kanilang mga balat ang singaw ng alak.

Ayon sa Alcoholic Architecture, mabuti sa mga ayaw tumaba ang pagsinghot ng alak dahil wala itong dalang calories sa katawan. Ngunit ayon naman sa mga eksperto ay mas delikado pa nga sa sobrang pagkalasing ang pagsinghot ng alak dahil mas mahirap makontrol ito kumpara sa pag-inom. Mas malala rin ang dulot na pagkalasing ng pagsinghot ng alak dahil diretso ito sa utak sa halip na dumaan muna sa atay na kumokontrol sa alcohol na pumapasok sa ating mga katawan.

Kampante naman ang Alcoholic Architecture na walang panganib sa katawan ang pinapauso nilang pagsinghot ng alcohol dahil sa mga pag-aaral at pag-iingat na kanilang ginawa upang masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga parukyano.

vuukle comment

ALAK

ALCOHOLIC ARCHITECTURE

ANG

AYON

ITO

KAMPANTE

KANILANG

MABILIS

MGA

NASA BOROUGH MARKET

NGUNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with