^

Punto Mo

‘Tumataas na nakawan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PATULOY ang pagtaas ng kriminalidad sa bansa pero walang masyadong nagsasalita tungkol dito. 

Ang mas kapansin-pansin nang taumbayan, galaw at kaganapan sa pulitika. Hindi na napagtutuunan ng pansin ang mga problema sa seguridad sa bansa. 

Sa huling datus na inilabas ng NYA International, lomobo ang bilang ng  carnapping incident sa unang tatlong buwan ng 2015 kumpara sa parehong peryod noong 2014. 

Kung dati 2,691 lang ang naitala ngayon umabot na sa 3,011 kaso ng mga nanakaw na motorsiklo. 

Metro Manila ang sinasabing palaruan ng mga sindikato at masasamang-loob na mas pinipili na ang mga motor kaysa tumira ng mga auto.

Layunin ng kolum na ito na pukawin ang natu-tsubibo at nalilibang nang publiko sa mga isyung-pulitikal.

Punong-puno na ng basura ang telebisyon, radyo at mga peryodiko araw-araw. Ang mga pulitiko, nagpapaligsahan sa pagkuha ng simpatya at boto ng mga mamamayan. 

Habang papalapit ng papalapit na ang eleksyon, tataas pa ang bilang at estatistika ng iba’t ibang krimen sa bansa. 

Sana maging aktibo at agresibo ang gobyerno sa pagsugpo ng lumalalang kriminalidad. Bago pa man ikasa ng mga kriminal ang kanilang mga katarantaduhan, nakaamba na agad ang BITAG sa kanila ng mga alagad ng batas.  

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

ABANGAN

ANG

ARAW

BANSA

HABANG

LAYUNIN

METRO MANILA

MGA

NBSP

PUNONG

SANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with