^

Punto Mo

Ghost lady sa Mars?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NANANATILI pa ring misteryo ang mga bagay na nakikita ng mga robot, space telescope, computer at ibang makabagong makinarya ng mga astronomer at ibang scientist sa Mars. Ka-singhiwaga ng planetang ito na nakikilala lang sa pamamagitan ng mga larawang ipinapadala sa mundo ng mga robot na spacecraft. Hanggang ngayon, wala pang pisikal na ebidensiya na meron ngang tubig at yelo sa planetang Mars. Puro indikasyon at teorya pa lang batay sa mga larawang nakukuha sa naturang planeta.

Meron pa ngang kumalat minsan sa Facebook hinggil sa bungo ng tao at alien na mukhang talangka sa pulang planeta pero walang patotoo rito mula sa National Aeronautics and Space Administration (NASA).

May lumabas ngang bagong ulat kamakailan na sinisiyasat ng NASA ang larawan ng isang umano’y  babae na nakunan ng kanilang robotic spacecraft na curiosity rover na matagal nang namamalagi at nananaliksik sa Mars. Parang multo na transparent na hugis ng sa isang babae na naglalakad sa kalupaan ng Mars ang nasa larawan.

Wala nang ibang detalye hinggil sa naturang babae at hindi nabanggit sa ulat kung kailan ito nalitratuhan ng camera ng curiosity rover at kailan ito natanggap ng mga scientist sa mundo.

Sana nga ay magawa nang makapagpadala ng tao sa Mars para mapatunayan ang mga bagay na nakukunan doon ng mga larawang ipinapadala sa daigdig ng mga robotic spacecract at makita kung paano mabubuhay ang tao roon kung puwede nga siyang mamuhay sa pulang planetang ito. Meron namang balak ang NASA na magpadala ng astronaut doon pero aabutin pa ng maraming taon bago ito maisakatuparan.

Wala nang nababalitaan sa programa ng pribadong kompanyang Mars One Foundation na naghagilap ng mga tao na maaaring sumama sa isasagawa nitong space mission at pagtatayo ng kolonya sa planetang Mars. Nagsala na ito ng mga aplikanteng kandidato na sasanayin sa pagtungo at paninirahan sa “kapitbahay” ng daigdig. Pero mukhang merong kontrobersiya rito tulad ng ibinunyag ng isa sa mga aplikante na kulang sa pondo ang naturang foundation para maipagpatuloy ang naturang programa. Ibinunyag pa niya na merong disclosure agreement na pinapipirmahan sa mga aplikante na hindi nila puwedeng isiwalat ang anumang kaganapan sa naturang programa. Tila kuwestiyonable ito lalo na kung nanganganib ang buhay ng mga aplikante sa pagtungo sa  Mars.

ANG

FACEBOOK

HANGGANG

IBINUNYAG

ITO

MARS

MARS ONE FOUNDATION

MERON

MGA

NATIONAL AERONAUTICS AND SPACE ADMINISTRATION

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with