Araw ni Quezon
Ngayo’y Agosto na sasapit na naman
ang araw ni Quezon bayani ng bayan;
sa lahat ng tao ako’y nagdiriwang
pagka’t si M.L. Quezon aking kababayan!
Siya’y isinilang sa Baler, Quezon
at naging pangulong nagmula sa Luzon;
Siya’y isang tala sa buong panahon
na tinitingala sa umaga’t hapon
Si Quezon ay isa sa ating bayani
na ang katangia’y namumukod tangi
siya’y isang lider na sa baya’y binhi
hindi tumutubo sa masamang budhi!
Kung ngayo’y buhay pa si Pangulong Quezon
itong ating bansa’y magiging masulong;
siya’y walang takot haharapin ngayon --
mga matatakaw ubod ng korapsyon!
- Latest


















