^

Punto Mo

Paawa epek ni Mar Roxas!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nakuha na ni alyas Tita ang lahat ng bookies ng Small Town Lottery (STL) sa Laguna. Sa tulong ni SPO3 Greg Oruga, ng Laguna PPO, bayan-bayan na inilalatag sa ngayon ang mga empleado ng bookies ni Tita. Para sa kaalaman n’yo mga kosa, ang pasugalan ni Tita sa Calamba City ang itinuturo na motibo sa pag-ambush sa kapwa niya gambling lord na si Vic Siman at mga kasamahan sa Quezon. Ang lider ng team ng pulisya na si Supt. Hansel Marantan ay hanggang sa ngayon nakakulong pa subalit si Tita ay namamayagpag pa rin. Kaya hindi magalaw-galaw ang pasugalan ni Tita dahil ang kausap niya ay si Atty. Gerry Asuncion, ang tumatayong bagman at pinsan ni Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano. Paging PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez!

* * *

Paawa epek ang kampo ni LP standard bearer Mar Roxas nang pati mga yumaong mga lider ng bansa ay ginagamit ng kampo niya para maitaas ang acceptance rating n’ya sa mga botanteng Pinoy. Sa darating na huling survey bago ang filing of candidacy sa Oktubre, malalaman natin kung nagtagumpay ang kampo niya para iangat ang kulelat na rating ni Roxas. Natutunghayan kasi ng mga kosa ko ang mga post sa FB na galing sa kampo ni Roxas kung saan ibinibida nila ang mga yumaong political leaders ng bansa tulad nina Ninoy Aquino at asawang Cory Aquino, ama ni Roxas na si Gerry at si dating DILG Sec. Jesse Robredo. Kumalat sa FB ang sulat ni Ninoy noong namatay si Gerry Roxas, ang umano’y Cory magic at ang relasyon ni LP standard bearer kay Robredo. Siyempre, kapag naging paksa sa mga umpukan­ ang mga pa­ngalan nina Ninoy, Cory, Gerry Roxas at Robredo, aba baka maraming makumbinsing mga tagasunod ng mga ito ang mahikayat na suportahan ang kandidatura ni Roxas, di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Itong sistema na ginagamit ng kampo ni Roxas ay naging matagumpay noong mapaslang si Ninoy at naging presidente ang asawang si Cory. Nang mamatay naman si Cory, aba naluklok din sa trono si P-Noy, di ba mga kosa? Kaya makikita sa pagkamatay nina Ninoy at Cory na awa ang nagtulak sa mga botanteng Pinoy para iluklok sa trono ang mga manok nila. Tumpak!

Kaya lang magiging epek­tibo kaya itong paawa-epek gimik kay Roxas? Matatandaan na ang “Mr. Palengke” gimik ni Roxas ay tinanggap ng mga Pinoy at naging daan para maging No. 1 siya sa pagka-senador noon. Subalit sa ngayon, kahit anong gimik ang pasukin ni Roxas tulad ng pagbuhat ng bigas at sibuyas; ang pagmaneho ng trike; ang pag-ayos ng upuan sa silid-aralan gamit ang martilyo at ang pagtrapik sa kalye habang umuulan, ay hindi kinagat ng mga Pinoy. Kaya sa halos lahat ng survey na inilabas nitong nagdaang mga buwan, halos kulelat si Roxas, di ba mga kosa? Paano kasi, ang lahat ng gimik na pinasok ni Roxas ay hindi kumbinsido ang sambayanan na galing sa puso niya. ‘Ika nga, pakitang tao lamang. Kung itong mga naunang gimik ng kampo ni Roxas ay hindi pinansin ng mga Pinoy ito kayang paawa epek niya na gamit ang mga yumaong political leaders ng Pinas ay papasa? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kaya ang ugong sa ngayon sa kalye ay mananalo lamang si Roxas kapag nandaya ang kampo niya! E di wow!

Wala naman akong away dito kay Roxas mga kosa! Sa tingin ko naman, very qualified siya na maging presidente ng bansa. Kaya lang, anong gimik kaya ang dapat ilabas ni Roxas para maarok niya ang kiliti ng sambayanan at makumbinsi sila na iboto siya sa darating na 2016 elections? Abangan!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOOM PANES

GERRY ROXAS

KAYA

MGA

NINOY

NIYA

PINOY

ROXAS

TITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with