^

Punto Mo

‘Tulfo Brothers, hindi ‘For Hire!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI na ang mga naloko at naloloko ng peke at nagpapa-kilalang BEN TULFO, BITAG o ‘di naman kaya staff kuno naming mga ‘tol, ang TULFO BROTHERS.

Patuloy na nagbibigay ng all points bulletin (APB) ang BITAG hindi namin estilo ang tumawag sa telepono para humingi ng donasyon, solicitation o pondong gagamitin para makapunta sa lugar ng pobreng humihingi ng tulong.

Tipikal na boladas ito ng mga hao-shiao o hindi lehitimong media. Para raw mapabilis ang aksyon sa inilalapit na reklamo at sumbong ng complainant, kailangan daw muna nilang magbigay ng pera.

Pero hindi sila makikipagkita ‘eyeball-to-eyeball.’ Bagkus ang gagamitin nila, mga remittance company para mai-transfer sa kanila ang pera.

Nitong nakaraang Huwebes, habang nagsasagawa ng Public Service caravan ang BITAG sa Davao, may mga nabiktima ng pekeng BEN TULFO. Katunog daw kasi ng boses ko ang boses ng hayupak na nagpapanggap sa telepono kaya naniwala sila sa kausap.

Habang isinasagawa ng BITAG Team ang pag-iimbestiga, nakausap ko ang kumag. Nang malamang ang lehitimo at totoong BEN TULFO ang kaniyang kausap, nangatog bigla ang kaniyang bombolyas, hindi na sumasagot at biglang nagpatay na ng cell phone.

Hindi lang mga pobreng indibidwal na salat sa kaalaman, salat sa pangangailangan at salat sa espiritwal na kaalaman ang mga naloloko ng modus na ito. Marami na rin ang mga nasa-lisihang pulitiko na dahil mayroon sigurong itinatagong baho, mas mabilis pa sa kulog at kidlat kung magbigay ng pera.

Magmumukha na akong sirang plaka sa pagbibigay ng babala hinggil dito, hindi for hire ang BITAG, si BEN TULFO maging ang sinumang sa aming TULFO BROTHERS. Libre at walang bayad ang binibigay naming serbisyo-publiko.

Kaya APB sa Luzon, Visayas at Mindanao kapag may tumawag sa inyo at nagpapakilala alin man sa mga identidad at pagkakakilanlan na nabanggit sa itaas, ‘wag agad magpapaniwala.

Kung mapilit ang putok sa buho, imbitahan sa inyong mga tanggapan at opisina ng masampolan sa kaniyang mga katarantaduhan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ANG

BAGKUS

BITAG

DAVAO

HABANG

HINDI

HUWEBES

KATUNOG

MGA

PUBLIC SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with