^

Punto Mo

Sampaguita (114)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG ikinatatakot ko ay baka sa halip na siya ang mabiktima mo ay ikaw ang mabiktima niya, Sam,” sabi ni Ram na nag-aalala sa kaligtasan ng kasintahan. “Gaya nang nangyari sa loob ng bahay na mayroon nang pagtatangka sa iyo. Kung nadala ka niya sa room na sound proof, baka  naluray ka na. Ikaw ang kawawa. Mahahalitulad ka na rin kay Ylang-Ylang at iba pang babae na pinagpasasaan niya.’’

“Kaya nga nagpapa­salamat ako sa ginawa mo kanina. Dahil sa kakaibang ideya, nailigtas mo ako sa kapahamakan. Ilang beses mo na akong nailigtas, Ram. Una ay sa cobra at ikalawa ay nang hindi ako magising. Halik mo lang pala ang magpapagising sa akin. Hindi ko malilimutan ang mga ginawa mo, Ram.’’

“Kaya nga gusto ko sana, mag-backout ka na sa misyon mo. Kapag nag-backout ka, magpakasal na tayo. Kasi nga’y baka mapahamak ka. Baka… sa halip na ako ang makakuha ng virginity mo e ang Levi na yun. Baka dahil dun e mapatay ko siya. Hindi ko siya uurungan kahit may baril pa siya.’’

“Huwag muna tayong mag-backout. Hindi ko matatalikuran ang nasabi kay Sir Manuel. At saka para ko na siyang ama. Kapag nagtagumpay ako sa paghihiganti kay Levi, saka tayo pakakasal. Pangako, Ram.’’

Tumango si Ram. Maunawain si Ram. Isang ugali na labis na ikinagusto ni Sam sa kanya.

“Salamat Ram, I love you so much!’’

“Love you too, Sam.’’

Hinawakan ni Ram ang kanang palad ni Sam at pinisil.

“Balak ko itodo na ang plano kay Levi. Sasagutin ko na siya kapag ipinilit ang sarili.’’

“Sige, Sam. Nasa likod mo ako. Pero huwag ka nang papasok muli sa bahay ng hayup na ‘yun.’’

“Hindi na. Iyon ang huling­ pagpasok ko  sa bahay­ ni Levi.”

KINABUKASAN, habang naliligo si Sam ay pina­lantsa na niya ang plano. Kailangang tanggapin na niya si Levi para matapos na paghihiganti. Sasabihin niya kay Levi na mahal din niya ito. Tatapangan niya ang sikmura.

Kapag dinalaw siya nito mamaya o bukas at nagpahayag ng pag-ibig, sasagutin na niya kuno. Hindi na siya magpapa­tsarming pa.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng hayup kapag sinagot niya?

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANO

KAPAG

KAYA

NIYA

RAM

SALAMAT RAM

SIR MANUEL

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with