^

Punto Mo

Manong Wen (237)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SABI ni Colonel, tapusin na raw kita. Ang mga matitigas at makakatsang na tulad mo ay hindi na dapat pinagta­tagal, “ sabi ng lalaking extor­tionist. “Pero bago ko gawin iyon ay pagsasawaan muna kita. Kasi ang ganda-ganda ng wankata mo. May edad ka na pero may hubog pa, he-he-he!’’

“Huwag! Maawa ka!” sabi ni Mam Violy. Takot na takot siya. Nakatutok ang baril sa kanya.

“Ngayon nagmamaka­awa ka e noong isang araw kung magsalita ka parang ang tapang mo.’’

“Maawa ka,” sabi uli ni Mam Violy.

“Nalaman ko, matagal ka na raw hiwalay sa asawa. E di tigang na tigang ang bukid, he-he-he!’’

Parang ulol na ang lalaki. Halang ang bituka. Parang hindi marunong maawa.

“Ang ganda ng wankata mo. Tingnan ko nga ang porma mo,” sabi ng lalaki at pinagmasdan si Mam Violy na naka-bra at panty lang. “Wow, parang hindi ka senior citizen, he-he!’’

Nang tangkain ng lalaki na hipuin ang dibdib ni Mam Violy ay sinangga niya ang kamay nito.

Nagalit ang lalaki. Itinutok ang baril sa ulo ni Mam Violy.

“Aba’t ang putsang ito’t matapang. Sige, kumatsang ka at sabog ang ulo mo.’’

“Huwag! Maawa ka! Maawa ka!’’

Sinampal ng kaliwang kamay si Mam Violy.

“Um!”

Tulig si Mam Violy.

“Akala mo siguro nagbibiro ako. Puputukan kita!’’

“Huwag.’’

Itinuloy ng lalaki ang paghipo sa dibdib ni Mam Violy. Hindi na siya tu­mutol. Baka barilin siya ng lalaki.

“Ganyan nga. Huwag kang tututol.’’

Maya-maya, isinuksok  ng lalaki ang baril sa baywang. Para makapag-concentrate sa ginagawa.

Nang maisuksok ang baril, itinuloy ang paghipo sa malulusog na dibdib. Parang asong takam na takam ang lalaki.

“Mabango ka pa rin, hehehe.”

Walang kakibu-kibo si Mam Violy. Nagdarasal siya na maka­ligtas sa manyakis.

(Itutuloy)

vuukle comment

GANYAN

HALANG

HUWAG

LALAKI

MAAWA

MAM

MAM VIOLY

NANG

VIOLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with