Kung Magaling ang iyong Massage Therapist
… narito ang mga bagay na mabibisto niya sa iyo sa isang oras na massage session:
Constipated ka
Mahilig kang mag-cross legs
May tsansa kang magkaroon ng skin cancer
Mayroon kang low back pain
Lagi kang nakaharap sa computer
Nagkaroon ka ng injuries noong bata ka pa.
Ikaw ay textaholic
Malapit nang dumating ang monthly period
Dehydrated ka
Anong side ng katawan ang lagi mong ginagamit. Halimbawa: Laging nakasaklang ang iyong baby sa kanang balakang; sa kanang balikat mo isinasabit ang mabigat mong shoulder bag, etc.
Mahigpit kang magsuot ng bra
Ginagamit mo ang pisikal mong lakas sa iyong trabaho.
Maginawin ka (kung nagpamasahe ka sa panahon ng tag-ginaw) dahil makikita niya na ang stress ay nasa leeg at balikat mo.
Heavy smoker ka
Regular kang nagjo-jogging
Kagagaling mo lang sa pagbibiyahe sakay ng eroplano. Nagkakaroon ng stress sa leeg dahil sa pagtulog nang nakaupo at walang unan.
Kapapanganak mo lang
Source: http://www.rd.com/slideshows/massage-therapists-secrets/#slideshow=slide20
- Latest