Senador ‘pa-sipsip’
NASAAN kaya ang utak ng ilang mga senador at kongresista na kung ano-anong batas ang gustong ipasa?
Ultimo pagnanakaw sa kaban ng bayan, isusulong, maka-sipsip lang. Tulad nitong si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.
Hindi ko alam kung nasaan ang kaniyang kukute. Nasa talampakan yata o baka naman lumipat na sa daanan ng kaniyang dumi.
Papaano ba naman kasi, pati si People’s Champ Manny Pacquiao tuturuan at papakialaman. Pero hindi doon sa pagiging kabahagi niya sa lehislatura kundi doon sa kung saan siya nakilala.
Ang gusto ng senador, magpasa ng tax exemption kay Pacquiao sa nalalapit nitong laban sa Mayo kung saan tinatayang $250 hanggang $400 milyon ang kikitain.
Hindi ang Pambansang boksingero ang puntirya at target ko sa kolum na ito. Kundi iyong mga nagpapasipsip at nagpapapansin para mapansin.
Bilang isang kristiyanong mamamahayag na nauunawaan at sumusunod sa mga utos ng Diyos tulad ng pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno, malamang pati si Pacquiao hindi rin sang-ayon sa sinasabi ng isa sa mga “KKK” na ito sa senado.
Na mandaya at pumabor sa kung anong mga panukalang batas na wala namang katorya-torya at saysay.
Mr. Senator Koko, bilyonaryo na ang nasabing boksingero. Hindi na niya kailangan ng pagpapasipsip mong tax exemption na ’yan.
Oo nga, malaki ang kaniyang kontribusyon at karangalang ibinibigay sa Pilipinas pero hindi nangangahulugan na “exempted” na siya o dapat hindi na siya pagbayarin ng buwis.
Kung ang mga ordinaryo at pobreng manggagawang single earner nga kinakaltasan at inoobligang magbayad ng 32% na tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR), siya pa kayang bilyonaryo?
Lagay mo nga kukute mo sa ulo!
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest




















