^

Punto Mo

Gambling lords suwerte sa Maynila

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report:  Nagsulputan ang mga pergalan sa southern Metro Manila sa ilalim ng liderato ni SPD director Chief Supt. Henry Rañola. Ang isa sa pergalan ay matatagpuan sa Calasan St., Bgy. Olympia, Makati City na pag-aari ng isang alyas Dandan. Sa pagkaalam ko, ipinagbawal ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ang pergalan sa Metro Manila pero bakit sinusuway siya ni Rañola? Ang usap-usapan sa kalye ng SPD ngayon ay matakaw si Rañola. Sa pagkain kaya o sa pitsa? Tanong lang po?

* * *

May katwiran na magyabang ang gambling lord na si SPO3 Roberto “Obet” Chua na hindi magalaw-galaw ang mga puwesto nila ng kasosyong si Ferdinand Sy dahil naka-timbre sila sa lahat ng operating units ng PNP. At ang isa pang dahilan ay dahil ang malakas nilang puwesto na matatagpuan sa 1726 Bocobo St., sa Malate at ang sa 421 Flores St., Alhambra, Ermita, kapwa sa Manila ay naka-umbrella kaya’t hindi sasakit ang ulo n’ya. Nagbabayad kasi si Chua at Sy ng tig-P2,200 kada butas ng racehorse bookies nila kina SPO2 Gener “Paknoy” Presnedi, Delfin Pacia at Jeff Sampaloc kaya nakatago ang mga puwesto nila. Kapag ni-raid ito, hindi sina Chua at Sy ang lulutang kundi itong tatlong itlog na malalaking financiers ng racehorse bookies sa Maynila. Sa liderato kasi ni Mayor Erap Estrada at MPD OIC Sr. Supt. Rolando Nana, ay may kasunduan na walang hulihan nang mga pasugalan kaya prente lang sina Chua at Sy, di ba SPO1 Rudy Manayayam Sir? Kaya tinaguriang tamad ang mga pulis-MPD ng mga opisyales ng PNP sa Camp Crame. Boom Panes! Hehehe! Sobrang suwerte naman ng mga gambling lords sa Maynila, di ba mga kosa?

Maliban kina Chua at Presnedi, marami pang pulis-Maynila ang tinaguriang financiers ng video karera at iba pang klase ng illegal gambling. Kaya habang napupuno ang bulsa nila ng pitsa, ang kawawa ay ang mga ordinaryong pulis na nagpapakamatay sa trabaho, di ba mga kosa? Mataas na kasi ang crime rate ng Maynila subalit hindi magawan ng paraan ni Nana na maipababa ito dahil ang mga pulis niya ay hindi nagpapatrulya kundi nagbabantay lang ng mga illegal na pasugalan nila. Boom Panes! Hehehe! Kung tamad magtrabaho itong mga gambling lords na pulis, siyempre malakas silang makahatak sa mga ordinaryong pulis na maging tamad din, di ba mga kosa?

Napag-alaman ko sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng PNP na itong si Chua pala ay hindi na naka-assign sa Directorate for Operations (DO) kundi sa Field Office ng CIDG sa Maynila. Kaya pala hindi nari-raid ang mga butas ng racehorse bookies nila ni Sy dahil ginagamit pa nila ang opisina ni CIDG chief Dir. Benjie Magalong, di ba mga kosa? Si Magalong mga kosa ay isa sa mga contenders sa pagka-PNP chief at ang pagkalong n’ya kay Chua ay maaring makahatak pababa ng tsansa niya. Hindi lang gambling lord itong si Chua, dahil siya rin ang kolektor ng weekly payola ng Field Office ng CIDG sa Maynila pati na din ang National Capital Region (NCR), at iba pang unit ng CIDG. Ang panawagan ko kay Magalong ay itapon sa Mindanao si Chua para hindi na s’ya pamarisan pa. Abangan!

BOOM PANES

CHUA

FIELD OFFICE

KAYA

MAYNILA

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with