^

Punto Mo

Manong Wen (210)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALANG tigil ang ginawang pagpapaikot ni Tatang Nado sa kobra. Bawat pagpapaikot ay lumilikha nang tunog. Parang hihip nang ma­lakas na hangin ang tunog nang pinaiikot na kobra. Nakatingin lamang si Jo sa ginagawa ng ma­tanda. Sanay na sanay ang matanda sa ginagawa na para bang marami nang karanasan sa mapanganib na kobra.

Nang inaakala ni Tatang Nado na patay na ang kobra, binilisan ang pag-ikot at saka bumuwelo. Ubod-lakas na inihagis ang kobra na pumailanglang. Parang lubid na inihagis ito. Bumagsak ang kobra sa sanga ng punong hanagdong. Maya-maya pa, narinig ang malakas na huni ng mga uwak. Matalas ang mga mata ng mga ito na agad nakita ang kobra sa mga sanga ng hanagdong. Nagsisugod ang mga ito at nag-uunahan sa pagkuha sa patay na kobra.

Subalit mas mabilis ang isang lawin na biglang-bigla ay nakadagit na agad sa kobra. Walang nagawa ang mga uwak kundi pagmasdan ang lawin habang daklot ng mga kuko nito ang kobra. Lumayo ang lawin para lantakan ang kobra.

“Pinabilib mo na naman ako Tatang Nado. Sobra-sobra na ang ginawa mo sa akin. Iniligtas mo na naman ako sa kamatayan. Paano kita magagantihan?’’

“Wala yun, Jo. Ang pag­liligtas o pagtulong sa kapwa ay hindi naghihintay ng kapalit. Kung makatutulong sa nasa panganib, gawin agad.’’

“Salamat, Tatang Nado. Kung sana ay kasama na kita sa pagbaba sa kabayanan, madali na kitang maga­gantihan.’’

“Huwag mo nang isipin yun, Jo. Dito na lang ako sa daigdig ko.’’

“Pero gaya nang sinabi ko, babalik ako rito Tatang Nado. Kahit ano pa ang mangyari.’’

“Okey. Pero paalala ko lang, baka may makasagupa kang  kobra, he-he-he!”

“Mag-iingat na ako, Tatang Nado. At saka magdadala na ako ng armas.’’

“Okey mas mabuti.’’

Maya-maya pa, natanaw nila ang paanan ng bundok.

“Malapit na tayo Jo. Natatanaw ko na ang pa­anan.’’

Naglakad pa sila. Hanggang sa sapitin nila ang paanan.

“Hanggang dito na lang ako Jo.’’

“Salamat Tatang Nado. Hanggang sa muli nating pagkikita.’’

Mahigpit na niyakap ni Jo ang matanda. Ma­tagal. Muli tahimik niyang pinangako na babalik siya rito sa bundok.

(Itutuloy)

AKO

HANGGANG

KOBRA

NADO

NANG

PERO

SALAMAT TATANG NADO

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with