^

Punto Mo

19-anyos na babae sa China, mukha pa ring bata dahil sa kakaibang sakit

- Arnel Medina - Pang-masa

KUNG titingnan si Zeng Yushan ay aakalaing isa lang siyang pang­karaniwang bata na nag-aaral sa pre-school. Kaya nakakagulat kapag malalaman na 19-anyos na ang babaing taga-Sichuan province sa China.

Ang pagiging mistulang musmos ni Zeng sa kabila ng kanyang edad ay resulta ng isang kakaibang sakit na nagdulot ng pagtigil ng kanyang paglaki simula noong siya’y 7-anyos pa lang.

Ang sakit na nagdulot ng kakaibang itsura ni Zeng ay ang pagkakaroon niya ng tumor sa kanyang pituitary gland. Ang pituitary gland kasi ang parte ng katawan na nangangasiwa sa mga hormones sa katawan. Malaki ang bahagi nito sa paglaki ng tao kaya nang mapinsala ang pi­tuitary gland ni Zeng ay naapektuhan din ang kanyang normal na paglaki.

Dati ay namamalimos si Zeng dahil sa hirap ng buhay ng kanyang pamilya at sa pag-asang mapagkikitaan niya ang kanyang kakaibang itsura. Tuluyan siyang naulila bago siya kinupkop ng isang mag-asawa na naawa sa kanyang kalagayan.

Hindi naman malinaw kung magagamot pa si Zeng mula sa kanyang kalagayan. Ayon sa isang dalubhasa sa mga sakit sa pituitary gland ay maari pang lumaki si Zeng sa pamamagitan ng pagtuturok sa kanya ng artificial growth hormones ngunit gagana lamang ito kung hindi pa nagdidikit-dikit ang buto ni Zeng. Nagiging permanente na kasi ang tangkad ng isang tao kapag lubusan nang nagdikit-dikit ang mga buto sa ating katawan. May pag-asa pa si Zeng kung matu­tuklasang hindi pa lubusang nagdidikit ang kanyang mga buto.

AYON

DATI

KANYANG

KAYA

MALAKI

NAGIGING

SICHUAN

ZENG

ZENG YUSHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with