^

Punto Mo

Ang Mali…Tama kung Minsan!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

UMASENSO ang buhay ng isang pamilyang may karinderya dahil sa halip na pakuluan sa tubig ang pata ng baboy na inilaga nang nakaraang gabi ay sa kalderong puno ng mantika ito naihagis. Ang resulta ng kapalpakan: crispy pata.

Bunga rin ng pagkakamali sa paggamit ng chopped semi-sweet chocolate ang pagkakaimbento ng chocolate chip cookies. Buo-buong chocolate chips ang inihalo ng isang ginang sa kanyang cookie dough dahil nasa isip niya ay kusang matutunaw ang chocolate at hahalo na ito sa dough. Naluto na ang cookie dough pero buo pa rin ang chopped chocolate! Mas masarap palang nguyain ang cookies na may buo-buong chocolate sa ibabaw.

Pero ito ang “big time na pagkakamali”, ang softdrink na Coke! Ito ay sinimulang imbentuhin ni Dr. John Smith Pemberton ng Atlanta bilang gamot na syrup para sa sakit ng ulo at pagkahilo. Nang ito ay ibenta sa isang botika sa Atlanta, ang instruction sa salesclerk, bago ibenta ang gamot, ay hahaluan ito ng yelo, tubig at isang espesyal na sangkap upang maging effective. Ngunit sa halip na ilagay ay espesyal na sangkap, carbonated water ang naihalo ng clerk. Aba, isang refreshing drink ang naging bunga ng pagkakamali.

Ito ang dahilan kung bakit ang  Coke ay sa botika nabibili noong 1886. Wala pa ito sa bote at lata. Ibinebenta ito nang “tingi” at isinasalin lang sa maliit na lalagyan mula sa malaking lalagyan. Sino ba ang makapagsasabi na sa “pagkakamali” pala yayaman si Dr. Pemberton?

Nakakainip siguro ang buhay kung hindi uso ang “pagkakamali”, ano? Dahil sa pagkakamali, nagkakaroon ng tsismis sa showbiz at nabuhay ang mga talk shows. Dahil sa pagkakamali, nauso ang Edsa Revolution. Dahil sa pagkakamali, may nababasa tayong interesting news kaya nagkaroon ng buhay ang newspaper industry. Ang industriyang ito ang bumubuhay sa akin ngayon.

BUNGA

BUO

CHOCOLATE

DAHIL

DR. JOHN SMITH PEMBERTON

DR. PEMBERTON

EDSA REVOLUTION

PAGKAKAMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with