^

Punto Mo

EDITORYAL – Ibalik ang mga armas ng SAF!

Pang-masa

NAGBABALA si President Aquino sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na huhulihin ng gobyerno ang nakatakas na teroristang si Basir Usman kahit ano ang mangyari. Kahit daw sino pa ang kumukupkop sa terorista ay huhulihin ito. “Kung nasa loob siya ng inyong teritoryo o nasa ilalim siya ng pangangalaga ng sinuman sa inyo, inaasahan kong isusuko ninyo siya sa mga awtoridad. Kung hindi, ay gawin ang lahat upang tumulong sa pagdakip sa kanya. At kung hindi pa rin maaari ito, ay huwag makialam sa aming pag-uusig kay Usman. Magsilbi sana itong babala at paalala: Huhulihin namin si Usman, anuman ang maging desisyon ninyo, sino man ang kumukupkop sa kanya, at saan man siya nagtatago.”

Mabigat ang banta na ito ng Presidente. Sinabi niya ito noong Biyernes. Sana ay nagbabala rin ang Presidente ukol sa mga ninakaw na baril ng 44 na SAF commandos. Dapat ibalik ng MILF ang mga baril. Bukod sa mga baril, kinuha rin ang personal na bagay ng mga napatay na SAF. Kamakailan, may report na ibinibenta na umano ang mga ninakaw na armas mula sa mga pinatay na SAF. Nagkakahalaga umano ng P1.5 milyon ang mga baril na kinabibila-ngan ng recoiless rifles. Ang recoiless rifles ay kahawig ng bazooka.

Sabi ni Acting PNP chief Dir. Gen. Leonardo Espina, dapat ibalik ng MILF ang mga baril. Nang tanungin si Espina kung ano ang kanilang gagawin sakali at hindi ibalik ng MILF ang mga baril, saka na lang daw niya sasagutin kapag “tatawid na sila sa tulay”.

Nasa balag ng alanganin ang pag-uusap sa kapayapaan at pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law kapag hindi isinuko ng MILF ang nakatakas na terorista at ganundin ang mga ninakaw na baril. May lamat na ang pag-uusap at hindi ito mawawala hangga’t hindi nagpapakita ng sinseridad ang MILF.

BANGSAMORO BASIC LAW

BARIL

BASIR USMAN

BIYERNES

BUKOD

LEONARDO ESPINA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PRESIDENT AQUINO

USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with