^

Punto Mo

Magkano, Col. Nana?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Si SPO1 Russel “Osel” Caratian ang napili ni Calabarzon OIC Chief Supt. Edwin Erni na maging over-all tong collector niya. Siyempre, reporting si Caratian kay Sr. Supt. Tony Yarra, ang comptroller ni Erni. Tiyak maabsuwelto sa lingguhang intelihensiya ang mga pa-bookies ng STL ni Caratian sa Sta. Rosa City, sa Victoria, Los Baños, Bay at Calauan at ang pahihirapan niya ay ang kapwa players. Sana mapuno ni Caratian ang bulsa ni Erni sa weekly target collection n’ya na P900,000 sa sugal lupa sa Calabarzon.

*  *  *

Nagsara ang mga pasugalan sa Maynila noong Enero 15, araw na dumating si Pope Francis sa bansa. Subalit kinabukasan at hanggang sa ngayon, bukas na bukas na naman ang mga pasugalan at inutil si MPD OIC Sr. Supt. Rolando Nana na masawata ito. Sa magkanong dahilan? Baka si SPO1 Rudy Manayayam, ang alagang aso ni Nana ay may kasagutan dito, di ba mga kosa? Sinabi ng mga kosa ko sa MPD na itong si Manayayam ang money-maker ni Nana at katumbas n’ya si Ver Navarro ng City Hall. Boom Panes! Hehehe! Di ba ayaw ni Pope Francis ng corruption? Anong say mo, Col. Nana!

Sinabi ng mga kosa ko na ang lahat pala ng mga pasugalan sa ngayon sa Maynila ay naka-umbrella kina Delfin Pacia, SPO2 Gener “Paknoy” Presnedi at Jeff ng Sampaloc. Ang kada puwesto o butas ay P2,200 ang bayad ng mga players sa tatlong itlog samantalang ang para sa police station naman ay mula P500 hanggang P800. Magkano kaya ang para kay Col. Nana? Hehehe! Tiyak mas malaki dahil siya ang hari ng MPD, di ba mga kosa? Tumpak!

Dahil sa pagpanaw ng gambling lord na si Apeng Sy, ang pumalit sa kanya ay ang anak nito na si Ferdinand Sy at ang kasosyong sina Navarro at SPO4 Roberto “Obet” Chua. Si Chua mga kosa ay dinala ni Chief Supt. Asher Dolina sa Directorate for Operations (DO) at nalipat na ito bilang PRO8 director. Kaya si Chua sa ngayon ay naiwan sa pangangalaga ni Dir. Ric Marquez sa DO. Si Chua ay ginagamit ding collector ng CIDG kaya malakas din siya kay Dir. Benjie Magalong. Sina Marquez at Magalong mga kosa ay kandidato para maging PNP chief at kahit sino ang manalo sa kanila ay malakas si Chua at tiyak hindi magagalaw ninuman ang mga pa-bookies nila ni Sy. At kung si Navarro ay bagyo sa City Hall aba ang NCRPO na lang ang problema nila, di ba mga kosa? Ang malakas na puwesto ni Sy ay ang sa 1726 Bocobo St., sa Malate at ang sa 421 Flores St., Alhambra, Ermita, kapwa sa Maynila. O hayan, Col. Nana Sir, tingnan ko lang kung kaya mong tibagin ang mga puwesto ni Sy at Chua. Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Pero paano makakakilos si Nana laban sa pasugalan kung ang gagawing basehan ay ang kumakalat na balita sa MPD na kumuha siya ng condo unit sa Maynila para di na siya uuwi pa sa Baguio. Ang condo unit ay pinuno ng mga kasangkapan tulad ng ref, TV at sala sets at kama ng mga Chinese “donors.” Boom Panes! Anong say ni Col. Nana sa mga balitang ito? Abangan!

 

BOOM PANES

CARATIAN

CHIEF SUPT

CHUA

CITY HALL

HEHEHE

MAYNILA

NANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with