^

Punto Mo

Retiradong Karpintero

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG karpintero ay dalawang dekada rin nagsilbi ng tapat at mahusay sa construction company ng isang mayamang lalaki. Mula sa pagiging karpintero ay tumaas ang ranggo niya bilang foreman. Ang kompanya ay naka-concentrate sa paggawa ng mga bahay sa subdivision. Matanda na ang karpintero kaya nagretiro na ito sa kanyang trabaho. Sa kanyang huling araw sa kompanya, may ipinakiusap ang mayamang lalaki sa karpintero.

“Last na ito, puwede bang ikaw ang mag-supervise sa isang bahay na ipapagawa ko? Mula sa pagpili ng materyales na gagamitin hanggang sa pagpili ng mga taong gagawa, ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang lahat. Narito ang plano ng bahay na itatayo mo. ”

Uuwi na sana sa kanilang probinsiya ang karpintero at misis nito kinabukasan para magbakasyon grande. Kaso, ‘yun nga, humirit pa si Bossing. Purnada tuloy ang plano nila ni Misis. Palibhasa’y aburido sa na-postpone na bakasyon, minadali niya ang lahat, mula  sa pagpili ng mga trabahador hanggang sa pagbili ng materyales. Kahit sino na lang ang karpintero na available. Sa mga construction materials, kung ano na lang ang mura, ‘yun na, para may makupit siya sa budget na ibinigay sa kanya. Noon, maselan siya sa pagpili ng mga tauhan. Kailangan ay masisipag at magagaling na karpintero. Sipsip pa kasi siya noon. E, ngayon, hindi na niya kailangang magsipsip, retirado na siya.

Mabilis na nabuo ang bahay. Nagpunta siya sa opisina ng kanyang boss upang pormal na magpaalam at ireport na tapos na ang bahay na ipinamahala sa kanya. Kinamayan siya ng boss, at saka nagsalita:

“Salamat sa matapat mong paglilingkod sa akin. Pero hindi ko ugaling magpasalamat sa salita lang. Dapat magpasalamat sa gawa…heto, tanggapin mo ang regalo ko sa iyo…” at iniabot sa karpintero ang susi.

“Boss para saan ang susing ito?”

“Susi ng bahay na regalo ko sa iyo”

“Nireregaluhan mo ako ng bahay?”

“Yes! Sa iyo ang bahay na ipinagawa ko sa iyo”

Hinimatay ang karpintero. Alam niyang hindi matibay ang bahay na ginawa niya. At natatakot siyang tumira sa bahay na itinayo niya, lalo na sa panahon ng bagyo. Natakot siya kaya  hinimatay. Akala ni Boss ay hinimatay ang karpintero sa sobrang  tuwa.

 “Life is a do-it-yourself project.” Your attitude, and the choices you make today, help build the “house” you will live in tomorrow. Build wisely! – Anonymous

 

ALAM

BAHAY

DAPAT

HINIMATAY

KAHIT

KAILANGAN

KARPINTERO

MULA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with