^

Punto Mo

Manong Wen (188)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINIGIL ni Diego ang SUV. Doon sa bahaging iyon ng kalsada na sila mag-aabang ni Mam Diana. Tahimik na tahimik ang lugar. Maski huni ng ibon ay walang marinig. Mayroon yatang nakaambang panganib.

“Kinakabahan ako Diego!” sabi ni Mam Diana na laging tumitingin sa labas ng SUV.

“Relaks ka lang po Mam Diana.’’

“Bakit malakas ang tibok ng dibdib ko? Hindi kaya may masamang nangyari na kina Princess at Precious?’’

“Wala naman po siguro, Mam.”

“Mabuti pa kaya Diego ay magpatuloy tayo sa pagtakbo at bakasakaling makita natin ang mga anak ko.’’

Hindi nagsalita si Diego. Nakatingin sa labas ng SUV.

“Ano Diego, mas mabuti kung moving tayo para nala-laman natin ang nangyayari. Baka sa dadaanan natin ay naroon ang mga anak ko.’’

Hindi pa rin nagsasalita si Diego. Panay na panay ang hipo sa baril na nasa baywang. Hindi mapakali.

Nakatingin sa kanya si Mam Diana.

Nang mga sandaling iyon ay nakasiksik sina Princess at Precious sa makapal na damo. Hindi sila kumikilos at gumagawa ng ingay sapagkat alam nilang ilang dipa na lamang ang layo sa kanila ng dalawang kidnappers.

Hindi makapagsalita si Princess kaya mga mata na lamang nila ang nag-usap.

Nari-nig nila ang pag-uusap ng dalawang kidnapper.

“Hanapin natin, Tsong! Tiyak narito lang ang mga yun!”

“Oo nga Marko. Palagay ko nasa ilalim ng mga damo ang dalawang yun. Kapag nakita ko sila, uubusin ko ang laman ng baril ko!”

Namutla ang dalawa. Panay na panay ang dasal ni Princess. Si Precious ay nakasubsob at ayaw masaksihan ang pagdakma sa kanila ng mga kidnapper.

Hanggang marinig nila:

“Ayun! Ha-ha-ha! Sinasabi ko na nga ba at narito lang sila!” sabi ng isang kidnapper.

Inihanda na nina Princess at Precious ang sarili. Diyos ko, tulungan mo po kami!

Biglang-bigla ay nasa harapan na nina Princess at Precious ang dalawang kidnaper.

“Huli kayo!”

Agad na hinawakan sa kamay si Princess ng isa sa mga kidnaper. Nagpipiglas si Princess. Pero malakas ang kidnaper at hindi maigalaw ni Princess ang sarili. Mababali ang kamay niya.

Dinakma naman si Precious ng isang kidnaper. Nagpagulung-gulong sila sa damuhan.

“Ate tulungan mo ako! Tulungan mo ako”

Akmang kikilos si Princess pero muling pinilipit ng kidnaper ang kamay niya at tinutukan ng baril.

“Sige babarilin na kita!”

Hanggang isang sigaw ang umalingawngaw! “Bitiwan n’yo sila!” (Itutuloy)

vuukle comment

ANO DIEGO

HANGGANG

MAM DIANA

NAKATINGIN

PANAY

PRINCESS

SI PRECIOUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with